"Ate, andito sila sa bahay. And alam na ni Kuya Vice. They told him. At yung malala pa, may kumuha ng picture niyo dyan. They know where you are and they are coming there to see you. You have to go. I'm so so sorry.."
"What? Bakit ganon? I thought me and the kids would be safe dito sa Laguna?" said Karylle after reading her phone.
Mabilis naman syang napatayo sa kinauupuan at pumasok naman agad siya sa kanilang kwarto. Kinulong niya ang kanyang sarili. Nag-iisip siya kung saan siya pupunta sa mga oras na iyon. Hindi pa siya handa na harapin ang kanyang asawa, kaya't naguguluhan siya kung saan sila tutungo ng mga bata.
Kumatok naman sa pinto si Miggy at halatang nag-aalala ito sa ina.
"Mommy? Is everything okay?"
Pinigilan ni Karylle na maiyak. Kaya naman binuksan niya ang pinto at kinausap naman ang anak.
"Kuya, we need to go now. Pack all your things okay?"
"Where are we going Mommy?"
"Basta. Just pack your things. And tell Kiara too, ha?"
"Okay."
Mabilis namang sinunod ng anak ang utos kaya't sinimulan na rin ni Karylle ang pag impake ng sarili niyang mga gamit.
Habang nagliligpit, kausap naman ni Karylle ang kapatid na si Zia sa kanyang telepono. Kasalukuyan kasing papunta na sila ni Vice doon sa private resort kung saan naroroon ang mga anak niya.
"Aalis na kami dito ngayon. Wag mo sila balitaan. "
Nagulat naman si Zia sa sinabi ng ate niya pero wala na talaga siyang magawa kundi sundin ito.
"San kayo pupunta ate? Mom would kill me if she finds out na may alam nga ako."
"Wag ka mag-alala we'll be fine. Sige na I have to go. I'll call you. Bye."
"Ate..."
Samantala, excited naman si Vice pati ang mga kaibigan dahil sa wakas ay makikita na nila si Karylle. It's been two years. Kaya naman nageexpect sila na mas mature na ngayon sina Kiara at Miguel. Vice couldn't stop smiling. It's pretty obvious na miss na miss na niya ang pamilya niya.
"@vicegandako: finally back on Twitter! The horse is alive and kicking again."
"@vicegandako: Everything has a purpose. We will be together again."
"@annecurtissmith @vicegandako We got you sis!"
"@vicegandako @annecurtissmith Sis mo mukha mo!"
Almost all of them ay tuwang-tuwa sa loob ng van. Pero si Billy ay tahimik naman at abala sa pag-isip ng mga maaaring mangyari sa pagkikita nilang lahat mamaya. He couldn't keep it to himself anymore, kaya naman nagsalita na siya.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)
FanfictionA sequel of Vicerylle Love On Top.