"Sabi kasi ng mga kaibigan nila, lumipat na sila eh."
"Teka, ano?"
Bigla namang nawalan ng salita si Vice. Mukhang mabibigo na naman siya sa kanyang plano.
"Pero Kuya, subukan pa rin natin. Baka naman andun pa rin sila?" sabi ni Zia.
Napatango na lang si Vice at tumingin sa bintana ng taxi. Medyo disappointed naman si Zia dahil nakita niyang malungkot na naman ang kanyang Kuya Vice. Akala kasi nila, ay magkikita na ulit sila at uuwi sila ng Pilipinas na masaya.
All throughout the trip ay tahimik pa rin si Vice. Medyo malayo kasi ang bahay ni Cheska from the city kaya natagalan ang biyahe.
Lumipas ang dalawang oras, at nakarating na rin sila sa lugar. Bumaba naman si Zia ng taxi para siya na muna magcheck kung tama nga ang bahay na ito.
"Kuya ako na muna titingin dun ha."
"Sige.. Dito lang muna ako." sagot ni Vice habang malayo pa rin ang tingin.
Nakapark pa rin sa harap ng bahay ang cab na sinakyan nila ni Vice. Naghihintay naman siya kung si Karylle na ba ang sasagot ng pinto o hindi. Sobrang malungkot na siya dahil nararamdaman niyang mukhang wala nga roon ang pamilya.
Pagkatapos ng limang minuto, ay may nagbukas naman ng pinto ng bahay.
"Ano ba naman 'to, hopiang hopia na naman ako. Akala ko ba naman.... Kiara?"
Nang mapalingon si Vice ay nakita naman niya ang isang batang babae na kayakap na ngayon ni Zia. Pumatak na ang mga luha ni Vice sa sobrang saya niya. Sa wakas, natagpuan niya rin ang kanyang mga anak.
Nung pumasok si Zia sa bahay ay patuloy naman ang pag-iyak ni Vice sa loob ng cab na pati ang driver ay napatanong na kung okay nga lang ba siya. He just gave him a thumbs up and a smile to assure that everything is fine.
After a few minutes ay lumabas na ng bahay si Zia na kasama ang dalawang bata. Mas naiyak pa si Vice nang makita na niya ang anak na si Miguel. Dahan-dahan siyang bumaba ng cab para makita na siya ng kanyang mga anak.
---------------------
"Daddy?"
"Mga anak ko...."
"Daddy!!!!!!"
Napatakbo naman ang dalawang bata sa kanilang ama. Napaupo si Vice sa tabi ng kalsada habang nakaopen-arms at hinihintay na madama ulit ang yakap ng mga anak. Mangiyak-iyak naman si Miguel nang malapitan na ang ama. Pati si Kiara ay di na mapigilan ang pag-iyak.
Vice hugged the both of the kids as tight as he could.
He missed doing this.
Si Zia naman ay nakatingin lamang sa tatlo na mukhang masayang-masaya sa mga nagaganap. Ngunit natatakot naman siya kung pano magrereact ang kanyang Ate Karylle pag nakita niya ito.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)
FanfictionA sequel of Vicerylle Love On Top.