Hold On We're Going Home

17.4K 314 26
                                    

It was about eight in the morning when Vice slowly opened his eyes, napansin niyang mukhang may katabi siya sa kama kaya naman tumingin siya sa tabi niya. Napangiti naman siya sa nakita niya. It was Karylle whose mouth was open while sleeping. 

Dahan dahan siyang umusog para makalapit lalo sa kanyang asawa. Inayos naman niya ang mga buhok na nakatakip sa mukha ni Karylle habang nagsasalita.

"Happiness is falling asleep next to you and waking up thinking i'm still in my dreams.."

At nang nasabi niya yon, ay bigla na lang gumalaw si K at naghilik kaya natawa naman si Vice. 

"Ang cute talaga ng asawa ko.." said Vice with a tear on his cheek.

"Sino ba namang lalake ang hindi magpapasalamat kapag nagising siyang katabi mo di ba? Siguro pag hindi kita katabi ngayon, katabi ko na si Lord. Kasi sa sobrang desperate ko na di ko kayo kasama, magpapakamatay talaga ako."

"Pero alam ko, binigyan lang ako ng Diyos ng maraming pagsubok para matuto ako sa buhay. Confident talaga Siya na makakaya ko ang lahat ng problemang binigay nya. Kasi totoo naman, sa lahat ng hirap na dinanas ko noon para mainlove ka sakin, hindi kita kayang isuko no. Mahirap na magpaconvert sa iba!"

"But seriously, I am the happiest man on earth right now. Because after two years, I finally woke up again next to the reason of why I wake up every single day of my life. Mahal na mahal kita Karylle." 

He then gave Karylle a soft kiss on her forehead at bumangon na rin siya para bumaba sa kusina.

Karylle's POV 

Listening to what you're saying right now just makes me cry. Talagang gusto ko na umiyak sa sobrang saya ko din na magkasama ulit tayo sa iisang bahay. Actually, I woke up kanina pa but I chose to go back to sleep kasi parang ayaw na kita mawala sa tabi ko.

I am so thankful to God for giving me someone like you. Someone who would never give up sa taong mahal niya. Someone who's willing to accept my failures and my flaws. Vice, you are the greatest gift that God has ever given me in my entire life.

I wish I could say all of these to you right now, pero ayoko namang manira ng moment. Umiiyak ka na kasi eh :)

----------------------------

A few minutes later, pumasok naman si Vice sa kwarto ng mga bata. Una niyang nilapitan si Miguel para halikan ito sa noo at sumunod naman si Kiara. 

"Wake up my princess. Mamamasyal pa tayo today.." he whispered.

Dahan dahan na ring minulat ni Kiara ang mga mata niya at di rin niya mapigilang mapangiti dahil ginising na ulit siya ng kanyang Daddy.

"Daddy.. Good morning po" sabi nito habang kayakap ang ama niya.

Mabilis na rin itong bumangon dahil naalala niya na pupunta sila ng Universal Studios ngayong araw. Tumakbo na rin siya sa kama ng kuya niya at nagtalon-talon pa dito na halatang excited sa kanilang outing ngayong araw. 

Nainis naman si Miggy sa pagtatalon ng kapatid kaya nagising na rin ito.

"Kiara it's too early!"

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon