The Phone Call

19K 218 44
                                    

"Narinig ko lahat ng pinag-uusapan niyo.. Please.. Please bigyan niyo na ako ng contact sa kanila. Nasaan sila?"  he begged.

Mangiyak-iyak naman sina Anne dahil kay Vice. Nagulat naman sila dahil bigla itong nakapunta sa bahay ni Kuya Kim nang hindi man lang nila alam. 

"Kakausapin ko pamilya niya... Please." dagdag nito.

"Pero Vice, sigurado ka ba talaga dito sa gagawin mo?" tanong ni Vhong.

Napaisip naman bigla si Vice. Nakatingin sa kanya ang mga kaibigan habang naghihintay sa kanyang sagot.

"Kung eto ang tanging paraan na magkikita kami, gagawin ko." sagot nito.

Umupo naman si Vice sa tabi ng mga kaibigan at pinag-usapan ang plano niya.

--------------------------

Nasa tabi ng dagat si Karylle at kausap naman niya ang kanyang ina. Binigay kasi ni Anne ang number nito, kaya't hindi na rin mapigilan ni Karylle na kausapin na lang ito.

Hanggang ngayon, hindi parin nito alam na nasa bansa na nga ang kanyang anak dahil siguradong ipapahanap siya nito.

"My baby we miss you. I can't believe i'm talking to you now after years..." 

Napaluha naman si Karylle dahil sa narinig. Humingi rin siya ng patawad sa ina pagkatapos ng mga nangyari. Nagpaliwanag siya, kaya naman naliwanagan rin ang kanyang ina. Nawala ang lahat ng alala nito, she was relieved.

"How's Yael by the way? I heard na nagkita kayo dyan ah?"  tanong ng ina niya.

"He's fine.." sagot naman ni Karylle.

Napahinga si Karylle ng malalim. Once again, she lied. 

"Don't you have any plans of going home, anak? We miss you and the kids."

"Ma, i'm sorry pero hindi ko kasi talaga kaya."

"Hanggang kailan pa, K? It's been two years. We've been longing for you and the kids for two years. Please don't just think about yourself, think about us too. " 

Her mom dropped the phone call dahil hindi na nito napigilan ang pag-iyak. Itinabi naman ni Karylle ang telepono niya. Napayuko na lang siya dahil gulong-gulo na naman ang isip niya. Ano nga ba ang tamang gawin? Paano niya ba maipapaliwanag sa mga anak ang lahat ng nangyari?

Karylle's POV 

This is not right.. Alam ko sa simula pa lang, maling-mali na tong ginagawa ko. Ang tanga ko. Bakit ba napakaselfish ko? I've been dreaming of having my own perfect family, pero dahil dito sa ginagawa ko, ako din mismo sumisira sa pamilya ko.

I did not only lose my husband, pero pati ang mga taong malalapit sakin hinayaan kong mawala ng dahil lang sa isang bagay na sa tingin ko ay napakalaking problema na. My life is full of lies as of the moment. I can never forgive myself pag may nangyari pang masama dahil dito.

----------------------

Kinabukasan, nasa bahay naman ni Vice ang mga kaibigan. Pinag-usapan na naman nila ang plano nila. Naisip kasi ni Vice na sabihin na ang lahat sa pamilya ni Karylle kahit sinabi nitong ayaw niya. He thinks that this is the only way that he will be able to see his wife and kids again after years. 

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon