Un voyage à Paris (A Trip to Paris Part 1)

9.3K 213 16
                                    

"Mommy!! Daddy!!!!" 

Eto naman ang narinig ng mag-asawa sa labas ng kwarto nila. It's only 7 in the morning at gising na ang anak nilang si Kiara na busy naman sa pagkatok ng pintuan ng mga magulang niya para magising na ang mga ito.

"Buksan mo siya Daddy.." 

"Eee.. Ikaw na Mommy." sabay pagyakap ni Vice sa katabing unan.

"Ikaw..." Karylle insisted.

"Ikaw nga." sagot ulit ni Vice

"Sige ka di ako sasa.." 

"Sabi ko nga ako nga.." di na natapos ni Karylle ang sinabi dahil sa tumayo na nga si Vice. Napangiting tagumpay nalang siya.

Vice opened the door and he welcomed his daughter with open arms and carried her.

"Good morning Daddy!!!!" she hugged back. "Hello baby! Good morning! Ang aga pa ginising mo na kami ni Mommy ah." umupo naman si Vice sa kama nila kaya niyakap na agad ni Kiara ang Mommy niya. 

"Why are you up so early? Where's Kuya?" tanong agad ni K.

"Eh kasi you and Daddy said na we'll go sa Eiffel Tower today. Let's goooo." patalon-talon namang sagot ni Kiara. "Oh, and Kuya's with Lolo. They're talking about boy stuff.." 

At dahil sa kakulitan ng anak ay wala ng nagawa ang mag asawa kundi ang maligo na at magbihis para makapag-ikot na sila ng Paris. They only got 2 days to tour around, kaya naman Karylle and Vice wants to make the best out of it. 

They ate breakfast all together at about 8:30. The Quizon sisters were both pretty excited as well. They made sure na lahat ng gadgets at power banks nila ay fully charged para sa kanilang tour. They left the hotel at around 10 in the morning. 

First stop, Eiffel Tower. 

Kahit hindi ito ang nasa itinerary ni Vice ay wala na siyang magawa dahil sa sobrang pangungulit ni Kiara. 

At dahil sa may kilala ang ina ni Karylle doon sa Paris na isang mayamang businessman na dati niyang kaklase noon, ay di na naging problema ang kanilang transportation. Sumakay na sila sa kanilang sundong Van at agad namang umalis. 

"Is everything okay, Miggy?" Vice worriedly asked his son. 

"I'm okay." Vice looked at his wife at nakita naman niyang nakatingin din ito sa anak. "May problema yan..." she mouthed. Napaupo nalang ng matuwid si Vice at ibinalik ang atensyon sa kanyang telepono kung saan ka-chat na naman niya ang kaibigang Billy, Vhong at Anne.

Samantala..

Si Karylle naman ay busy rin sa pag-asikaso ng kanilang negosyo kahit na nasa bakasyon sila. Hands-on kasi talaga si K dito simula nung bumagsak ang negosyo nila noon nagkahiwalay sila ng asawa niya. 

"Yes... Yes Sir. We'll be meeting you as soon as possible.." napalingon naman ang Mama ni Karylle sa kanya, asking if she can drop the call. "I'll let you know, Sir. Okay po. Thank you po." and she finally ended it. Alam naman kasi niyang dapat ay hindi nila inaatupag ang ibang bagay sa mga oras na iyon. They planned the vacation to stay away from work sa Pinas. They've all been very busy with their careers, at hindi na rin sila nakapag-bonding masyado.

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon