Departure

16.5K 289 83
                                    

At about eleven in the morning ay nakalapag na ang eroplano sa Changi Airport. Niyugyog naman ni Zia ang kanyang Kuya Vice dahil sa nakatulog ito sa biyahe.

"Kuya gising na andito na tayo." dahan-dahan namang minulat ni Vice ang kanyang mga mata. He looked out the window at nakita niyang nakalapag na nga sila. "Finally." sabi niya sa sarili niya. Kitang-kita sa kanyang mga labi ang mga ngiti na nagpapakitang sobrang excited na siya na makita ang kanyang mag-ina.

Pagkababa nila ng eroplano ay kinuha naman nila ang kanilang mga bagahe at dumiretso na din sa labas para makasakay na ng cab papunta sa hotel. They will be staying there for a few days dahil sa hindi pa naman sigurado kung talagang magkikita na nga sila, at kung sasama na ba kay Vice sina Karylle. 

As they arrive at the hotel ay nagcheck-in na agad sina Vice at Zia. He went straight to his room at katabi lang rin ito ng kay Zia. While fixing his things, still Vice couldn't stop smiling. Hindi niya rin inisip ang mga negatibong mangyayari dahil sa panay naman ang pagdasal niya na sana ay magiging worth it naman ang kanyang pagpunta dito. Nararamdaman rin niya na tutulungan siya ng Diyos at makakauwi na sila ng Pilipinas na buo na ulit.

At about five in the afternoon ay niyaya muna ni Zia si Vice na kumain sa labas. Hindi rin kasi kabisado ni Vice ang lugar kaya si Zia ang nagsilbing tour guide niya. They decided to eat at a cafe dahil sa hindi sanay si Vice na kumain ng Singaporean food. There, they talked about kung ano ang kanilang mga plano sa mga susunod na araw.

Vice took a sip of his coffee and asked, "Alam mo pa ba kung saan nakatira yung Cheska?". Zia looked at him and confidently answered his question. "Opo. But I hope hindi sila nagtransfer. Rinig ko kasi, nakapag-asawa na yun." Bigla namang kinabahan si Vice sa narinig. "But don't worry, i'll try to ask yung ibang friends ni Ate dito kung alam pa nila yung address nila Ate Cheska." He was relieved.

"Ay nako Zia. Pag ako nahopia, hindi ko na alam ang gagawin ko." natatawang sabi ni Vice.

After a few minutes, ay napatawag naman si Billy. 

--------------------------

Billy: Hello bestie?

Vice: Bestie!!!!!

Billy: O teka ano nangyari? Nagkita na kayo? Ba't ang lakas ng tili mo?

Vice: Baliw. Wala hindi pa. Bukas pa kami pupunta. Sadyang excited lang talaga ako

Billy: Nako sana naman makita mo na sila. At sana, maging maayos ang pagkikita niyo. Lalo na't hindi tayo sigurado na napatawad ka na ni Karylle.

Napaisip naman si Vice. Naalala na naman niya ang mga negative vibes na sakaling mangyayari sa kanya kapag kaharap na niya si Karylle. Tinanong niya ang sarili niya ng mga maraming bagay kaya naman hindi na niya narinig si Billy sa kabilang linya.

Billy: Huy. Okay ka lang?

Vice: Ah.. Oo bestie. Sorry ah.

Billy: It's okay. Basta, no matter what happens andito lang kami para sa'yo. Hindi ka namin iiwan and we're all praying na sana maging ok na ang lahat. Mag-ingat kayo diyan.

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon