Pagdating ng buong pamilya sa Pilipinas ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Ito'y nagpapakitang nag-enjoy sila ng sobra sa kanilang bakasyon na inihanda naman ni Vice para sa kanila.
"Nakauwi din! Bawas gastos! Charot! Haha!" biro ni Vice sabay kurot naman sa misis niya.
"Nako Vice, don't worry. Sa next nating bakasyon, si K na magbabayad." nanlaki naman ang mga mata ni Karylle sa sinabi ng ina niya kaya natawa silang lahat.
"I don't think so, Ma. Alam mo naman kung gaano ako kakuripot!" sagot nito.
Samantalang natutulog sa loob ng Hummer sina Karylle pati ang dalawang anak nila. Habang si Vice naman ay buhay na buhay at di man lang makatulog sa biyahe. Busy rin siya sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan na walang tigil naman ang pagreremind sa kanya ng mga pasalubong nila.
"Daddy, where are we?" napalingon naman si Vice at nakitang nagising na ang anak na si Kiara.
"Basta. Uuwi na tayo anak."
"Okay po. Just wake me up ha."
Napangiti naman si Vice at bumalik naman sa pakikipag-usap sa kanila ni Billy. Lumipas ang tatlong oras at nagising na rin muli si Karylle. Agad naman siyang hinalikan sa noo ng kanyang asawa.
"Good morning misis kong sobrang antukin! Haba ng tulog ah. Ayan kasi bakit hindi natulog habang pauwi tayo eh."
Napansin naman ni Karylle na mali ata ang kanilang dinaanan."Vice, san tayo pupunta?"
"Traffic kasi. Kaya naghanap nalang kami ng ibang daan."
At dahil wala pa masyado sa sarili si K ay tumango nalang siya at naisip na matulog nalang muna ulit. Vice found it so cute kaya di niya mapigilang magtweet.
"@vicegandako: @anakarylle Sige pa.. Sige pa talaga. Tulog pa. Nakakamiss ka na.."
Few minutes later, nakatulog na rin si Vice.
Fast forward nalang.. ang layo ng bahay nila eh.
"Ser, andito na ho tayo.""Daddy!!! Gising na!!!"
Nagising naman kaagad si Vice nang marinig ang boses ng kanilang driver at anak nitong si Miggy. Ginising na rin kaagad niya si Karylle na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon.
"Mahal, andito na tayo.."
"Hmmm..."
"Huy. Ana Karylle. Gising."
"Mamaya na..."
"Sige iiwan ka namin. Bye!"
Kiniliti naman niya agad si K kaya nagising na ito ng tuluyan. Nagulat naman siya dahil wala naman sila sa kanilang bahay, kundi nasa isang resort.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)
FanficA sequel of Vicerylle Love On Top.