Pain

21.6K 262 73
                                    

"Gusto ko silang makita..." 

Napatigil si Billy sa kanyang narinig, at agad naman niyang binalikan si Vice sa isang sulok ng kwarto nito. 

"Gustong gusto ko sila makita... Billy. Tulungan niyo ako.. Parang awa. Tulungan niyo ako. Gagawin ko ang lahat, mabuo lang ulit ang pamilya ko. "

"I will help you. We'll all help you. Hahanapin natin sila Vice. " sabi ni Billy.

Nanginginig sa sobrang pag-iyak si Vice dahil bumalik na naman sa isip niya ang lahat ng masasayang alaala nila ng pamilya niya. Hindi madali sa kanya ang ibalik sa dati ang buhay sa loob ng dalawang taon na hindi kapiling ang mag-iina niya. 

Dahil sa pagkawala nila, hindi na rin niya magawang kumain at matulog ng wasto. Ang laging hanap lamang niya ay alak at yosi para makalimutan umano niya ang sakit kahit sa iilang oras lamang.

-------------------

Pagkatapos makausap si Vice, ay kinausap naman ni Billy ang mga kasamahan nito sa bahay niya. Ipinaliwanag niya ang mga plano ni Vice. Sinabi rin niya, na gagawin nito ang lahat mabuo lamang muli ang kanilang pamilya.

Tinawagan agad nila ang mga magulang ni Karylle. Pati na rin ang mga kapatid, at ang mga kaibigan nito. Umalis naman kaagad si Billy para makausap si Anne at ang iba pa nilang mga malalapit na kaibigan para sa request ni Vice.

"Kuys, alam ko hindi madali 'tong hiling niya. Pero we all have to do this for him. We want the old Vice back. We want Vicerylle back." said Billy while wiping his tears.

Nagkatinginan silang lahat. Hindi na rin nila mapigilang maiyak dahil awang-awa na sila sa nangyayari sa kanya, at nakita rin ni Billy kung gaano na ka-miss ni Vice ang kanyang mga anak, lalo na ang kanyang pinakamamahal na asawa.

"Anne, wag mong tigilan ang pag contact kay, K. Alam ko natanggap niya lahat ng texts at tawag mo, pero wag mo sabihin sa kanya na hinahanap natin siya dahil siguradong itatago na naman siya ni Yael." sumbat naman ni Vhong.

Tumango naman si Anne.

"Kaya natin 'to.. Para kay Vice." 

---------------

"K, please stop ignoring us. We really need you here. I know you're still hurting about what happened, but please can we talk about it? Just tell us how and please take good care of yourself. We love you. " - Anne 

K's POV 

Here it is again. Nagtext na naman si Anne. I really think na may balak na naman sila.. Should I talk to them? I want to. Pero natatakot ako. Natatakot na akong balikan pa ang nakaraan. Masyado akong nasaktan. 

"Love, may problema ba?" 

Napatingin ako sa direksyon ni Yael at nakatingin rin sakin ang mga bata. Halata ba masyadong may iniisip na naman ako?

ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon