6

468 14 1
                                    

A/N:

Comment. Vote. Tag me on twitter (@tmlpz)

*****

Chapter 6

Sabado. Nagising ako at nakatulala ako sa kisame. Mamayang gabi na ang reunion. Ano kayang mangyayari dun? Pupunta nga kaya siya? Tutuloy pa ba ko?

"Kuya alis na ko." sabi ni Riley nang sumilip siya sa akin sa kwarto.

"San ka?" pagtataka ko.

"Training. Andun uli sila Kuya Gavin at Kuya Garret sa school." nakangising sambit niya.

"Ah okay. What time will you be home? May pera ka pa?"

"I don't know. Maybe whole day ako sa school. May money pa ko sa bank kuya. You don't have to give me money. Magwiwithdraw na lang ako."

"Osige. Ingat ka, dude. Text me when you get there. Magpahatid ka kay Mang Roger."

"Kaw din kuya. Enjoy the party later." aniya saka na tuluyang umalis ng kwarto ko. Bumangon na ko makalipas ang ilan pang minuto saka na lang naisip na magpunta sa gym. Might as well release all the tension by working out.

"Oh. May almusal diyan. Kumain ka muna." ani Manang Belen nang makababa ako.

"Hindi na manang. Mamaya na lang pagbalik ko. Pupunta muna po akong gym."

"Osige. Mag-ingat ka." tumango na lang ako saka na lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

Nakarating ako sa gym makalipas ang kalahating oras. Buti na lang at maaga pa. Hindi pa gaano karami ang nagggym.

"Uy! Long time no see ah!" bati ng isa sa staff na si Kevin. "Tagal kitang di nakita dito."

"Nagkasakit ako eh. Ngayon lang nakarecover." sagot ko.

"Ayun lang. Hahaha. Sige dude. Alam mo na gagawin." sabi niya.

"Teka. Andyan ba si Coach Ramil?"

"Mamaya pa dating nun. Text ko gusto mo?"

"Nakakahiya. Magccardio na lang muna ako. Pero sabihan mo siya mamaya. Bukas balik training na ko."

"Osige." tango niya. Nagdiretso na ko sa locker room para itago ang bag sa locker at saka na nagpunta sa may mga treadmill. Nagsimula na rin akong magpatugtog mula sa phone ko at tumakbo na.

Halos dalawang oras din ako sa gym. Namiss ng katawan ko yung ganitong pagpapapawis eh. Puro alak at pagkain ang laman ng katawan ko these past few days dahil sa mga kaibigan ko. Buti na lang naisipan kong magpunta dito.

"Alis ka na?" tanong ni Kevin nang lapitan ko siya sa counter para pumirma sa logbook.

"Oo. May pupuntahan pa ko." sabi ko.

"Ganun? Date yan no? Hahaha."

"Gago hindi." natatawang sambit ko.

"Biro lang." sabi niya.

Nagpaalam na ko sa kanya saka na umuwi sa bahay.

"Oh. Tumawag ang mama mo. Hinahanap kayong magkapatid. Hindi ba tumawag sayo?" ani Manang Belen pagkapasok ko ng pinto.

"Hindi po." sagot ko naman sabay check sa phone. "Message ko na lang siya manang." sabi ko. Tumango na lang siya saka na naglakad.

"May ulam diyan. Kumain ka na tapos magpahinga ka. Si Xavier dumaan pala dito kanina. Sabi ko nasa gym ka."

"Sige po."

Umakyat na muna ako sa taas saka na nagshower. Pagkatapos nun ay bumaba na uli ako at kumain na sa kusina. Tinawagan ko rin si mama sa Facetime at makalipas ang tatlong ring ay sumagot din siya.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon