15

385 13 2
                                    

A/N:

Vot. Comment. Tag.

Thank you to everyone who's reading this piece of shit. Seriously. This is a bulalo story. Sobrang sabaw na wala ng hustisya. But still, thank you sa mga nagtitiis at nagtitiyaga dito. Yung mga nagsabing babasahin pa rin to kahit hindi ff, at tinupad yun, salamat! You guys make me cry. Chos! Hahaha. Lamyu! 😘


❤️DERPHERP


*****

Chapter 15

"Hey hindi mo kaya ako dinedate nun! Diba nga? Si Cara kaya crush mo nung highschool."

"Ooooh! Wala ka pala kuya eh!" asar ni Riley.

"Gusto mong umuwi?" tanong ko sa kanya. Humagalpak lang siya sa tawa saka pa umiling. "Babe, nagdate kaya tayo. You remember nung nagpunta tayo sa Laguna nung birthday mo?"

"Birthday ko? When was that? Oh! Oh my god oo nga!" aniya at napatakip pa sa mukha. "Yeah naalala ko na. That was one of the best birthdays I've had." sabi niya pa.

Hindi ko alam bakit hindi ako nakatulog nung araw na yun. Basta alam ko lang eh 6am ay bihis na ako at nakahanda na yung backpack ko. Nagtext na ko sa kanya para ipaalam na tapos na kong magprepare at sabihin niya lang kung okay na siya para aalis na kami.

Me:

Oks ka na?

V:

Yeah. Punta ka na. 😊

Me:

Okidoks! See you! 😁

Bumaba na ako sa sala at sakto naman ay gising na sina Manang Belen at Mang Roger. Nagkakape na sila sa dining area nila sa may kitchen at nang makita ako'y masigla nila akong binati.

"Ano anak? Alis na ba tayo?" tanong ni Mang Roger.

"Opo." tango ko naman.

"Oh eh mag-almusal ka muna kaya anak?" alok naman ni Manang Belen.

"Hindi na manang. Baka dun na lang kami kumain." sabi ko.

"Osige. Magbaon ka na lang ng tubig niyo ha? Teka ihahanda ko lang." aniya saka na inayos ang dalawang tumbler at pinuno ito ng tubig.

Umalis na kaming bahay ni Mang Roger at makalipas ang 20 minutes ay nasa labas na ko ng bahay nila Violet. Hinatid siya ng papa niya sa gate kaya nagmano pa ako sa kanya.

"Good morning po, tito."

"Good morning, Basti. Mag-iingat kayo ni Violet ha? Kung may kailangan kayo magtext lang kayo sa amin ng tita mo. Okay?"

"Opo. Ako na po bahala sa kanya." sagot ko naman. Ngumiti na si tito at ginulo pa ang buhok ko. Humarap naman sa kanya si Violet at saka na siya nagpaalam.

"Bye, daddy."

"Ingat kayo anak." ani tito saka na humalik sa noo ni Violet. Nagmano na uli ako saka na kami sumakay sa kotse.

"Saan ba tayo talaga pupunta? Nakakapagtaka that you want to leave this early eh batugan ka naman." aniya nang magsimula na magmaneho si Mang Roger.

"It's for me to know and for you to find out, baby." sabi ko.

"Dami mong alam. Pati sila daddy ayaw sabihin sa akin kung san tayo pupunta. Ang unfair niyo!" reklamo niya. Tumawa lang naman ako saka na lang hinawakan ang kamay niya.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon