16

365 8 0
                                    

A/N:

Bulalo chapter again. Hahaha. Enjoy!

Vote. Comment. Tag.

❤️DERPHERP.



******

Chapter 16

"I'll go home na kuya. I still have class tomorrow." ani Riley pagkatayo niya.

"Osige na. Mag-ingat ka ha? Sure ka tapos na homework mo?" tanong ko. Tumango naman siya saka pa nag thumbs up sa akin.

"Ikaw ba naman tutor ko kuya eh." biro niya pa.

"Sus. Bolero ka naman. Oh." sabi ko at inabutan siya ng pera.

"Haha. Yun! Thanks, kuya!" aniya saka pa yumakap. Ginulo ko ang buhok niya saka na siya nagpaalam kay Violet. "Ate, uwi na ko. Punta uli ako dito bukas."

"Sure Riley. Ingat ka ha?" ani Violet. Tumango si Riley saka na lumapit sa kanya at humalik pa sa pisngi niya.

"Oh! Hahalik pa eh!" tutol ko sabay hatak sa kapatid ko palayo.

"Babe..." ani Violet.

"Possessive masyado kuya? Hahaha."

"Hanggang apir ka lang dude."

"Ts. Sige na nga. Uwi na ko." aniya at saka ko na siya hinatid palabas ng pinto.

"Hoy. Ingat ka ha?"

"Yeah I will." tango niya saka na tumakbo papunta sa elevator.

"Tamo yun." sambit ko at sinara na uli ang pinto saka na sinaluhan si Violet sa may kama niya.

"Baby, palit na kong damit please?" aniya.

"Osige." tango ko at saka na kumuha ng damit sa bag niya. "Arms up."

"Ha? No! Tulungan mo na lang ako. Ihatid mo ko sa bathroom. Dun ako magbibihis." aniya.

"Para namang di ko pa nakita yan eh nagpapalit ka sa harap ko dati." sabi ko. Namula ang pisngi niya saka pa tumingin ng masama sa akin. "Hahahaha. I'll close my eyes if you want."

"Bawal manilip ha?!" aniya.

"Oo na. Halikan kita diyan eh."

"Tsk. Naman eh!" aniya. Tumawa ako habang hinahampas niya pa ko ng damit niya.

"Dali na! Hahahahaha. Bihis ka na." sabi ko. Suminghap na lang siya saka na inangat ang dalawang kamay niya at dahan-dahan ko namang tinaas ang damit niya.

I felt how goosebumps start building up all over her body the moment my hand touched her skin. Kinabahan naman ako bigla but I tried my best to resist whatever's going on inside of me. This is not the right time for that. Everything has its right time.

"B-babe..." nauutal na utas niya.

"My eyes are closed, baby." sabi ko. Nilusot ko na ang dextrose niya sa isang armhole ng shirt niya at pagkatapos ay tuluyan ng inalis ang shirt na suot niya. Inabot niya sa akin ang bagong shirt na susuotin niya at inalalayan ang kamay ko para maisuot sa kanya ang damit. Pagkatapos ay dumilat na ko at nginitian naman niya ko.

"Pasado ka ng bulag." sabi niya. Natawa naman ako saka na lang niligpit ang maruming damit niya.

"Talaga lang ha?" pabirong sabi ko.

"Yeah. But I like it better when you open your eyes."

"And why is that?" tanong ko pagkaupo ko sa tabi niya. Kinuha niya naman ang kamay ko at pinagsalikop pa ang mga daliri namin saka ako nginitian.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon