Chapter 34
"Babe, what's going on?" tanong ni Violet saka pa humawak sa braso ko.
"Sir, pwede po bang sumama kayo at ang mga kaibigan niyo sa presinto? Para lang po sa konting katanungan." sabi ng pulis.
"Uhm... T-tungkol po saan?"
"Sir, sa presinto na lang po tayo mag-usap." aniya at hinawakan na ng mga kasama niya ang kamay ko. Sumunod ang lahat sa amin papuntang presinto. Hindi ko alam kung para saan at hinuhuli nila kami.
"Chief, ano po bang nagawa namin?" tanong ni Xavier nang makarating na kami sa presinto. Umupo ang pulis sa mesa at saka pinakita sa amin ang isang cctv coverage mula sa laptop niya.
"Nahuli po kayo sa cctv ng Damariñas Executive Village na namemerwisyo sa mga residente dun." sabi niya.
"Fuck..." bulong ni Nicolo.
"What are they talking about?" tanong ni Kai sa amin. "Boys!"
"Fine! It was just a prank okay? Hindi naman namin sinadyang makaperwisyo. We were just celebrating kasi nagpropose na tong kaibigan namin sa girlfriend niya and ikakasal naman tong isang kaibigan namin. Chief, willing kaming makipag-areglo kung papayag po yung mga residente." paliwanag ni Xavier.
"Eh ano namang pumasok sa kukote niyo to do that?! What are you guys, 13?!" iritang sambit ni Brenda.
"Brends, you're not helping." ani Max. "Makikipag-areglo na lang kami chief. May pwede ba kaming makausap ng residente sa kanila?"
"May kondisyon po ang homeowners natin. Kailangan niyo pong magcommunity service for a month sa village nila dahil sa perwisyong ginawa niyo."
"Seryoso yan chief?!" ani Kobe at Max. Tumango naman ang pulis saka pa kami tinignan isa-isa.
"Pasensya na po. Yun po ang gusto ni Mr. Go na mangyari. Bilang siya ang presidente ng homeowners at isa ang bahay niya sa napuntahan niyo para magdoorbell."
"Fuck this shit." bulong ni Frank.
Natapos kaming makipag-usap sa mga pulis at hinayaan nila kaming makauwi na. Hindi naman daw kami ikukulong dahil pumayag naman kaming magcommunity service sa Dasmariñas. Kailangan lang ay magsimula na agad kaming anim bukas.
Tahimik kami buong biyahe ni Violet pauwi sa condo niya. Alam kong galit siya sa ginawa namin dahil una ay mali naman talaga ang pagprank sa mga bahay na yun at pangalawa ay nagsinungaling ako sa kanya.
"Babe please talk to me..." sabi ko pagkapasok namin sa unit niya. "Babe..."
"What do you want me to say, Sebastian?! Na natutuwa ako sa ginawa niyo?! That what you guys did was just for fun at okay lang yun?! You of all people know that that kind of prank is for teenagers. My god! You're turning 26 already! Bakit pumayag ka na sumama sa kanila?!"
"I'm sorry, okay? At first ayoko naman talagang gawin eh. They pushed me to do it..."
"And you enjoyed it." aniya at nagtaas pa ng kilay. Yumuko ako saka marahang tumango sa kanya. "I can't believe you. And you even lied to me. You played pool? Sira ang aircon kaya pawisan kayong dumating? That's bullshit!"
"Please don't be mad." makaawa ko. Lumapit ako sa kanya saka pa sinubukang hawakan ang kamay niya pero iniwasan naman niya ako. "I know that what we did was wrong. Alam ko rin na hindi ako dapat sumali kasi alam kong magagalit ka kapag nalaman mo. It's just that, namiss ko lang yung ganun. I missed doing things like that. Ever since na nawala ka saken hindi na ako nakikihalubilo masyado sa kanila. Hanggang sa nakagraduate ng college and they all went abroad. Kami na lang ni Xavier ang naiwan dito. Tapos ngayon, sobrang ang saya lang talaga naming lahat because finally engaged na tayo tapos ikakasal na sila Nicolo at Kai. We just wanted to celebrate and have fun. Hindi naman namin naisip na makakarating sa mga pulis yung ginawa namin. I'm sorry, baby. Please don't be mad at me."