Chapter 31
"Do I really have to come with you guys? Baka OP ako nun." ani Riley pagsakay sa kotse.
"Hindi yun, Riley. My friend has a brother na almost same age mo. Pwede kayo maging friends nun." sagot naman ni Violet.
"Okay fine. Sabi mo ate eh." aniya at sinalpak na ang headphones sa tenga saka na sumandal sa backseat.
"Nakilala ko ba yang college friend mo na yan?" tanong ko habang nasa biyahe kami.
"Hm. I think so pero baka di mo na siya matandaan." sagot niya. "She was my roommate sa dorm. Si Yumi."
"Yumi..." sabi ko habang pinipilit na maalala kung anong itsura niya. "I really can't remember her. Paano ko siya nameet?"
"I think when you visited me sa dorm. Nung nagdala ka ng food kasi nalaman mong nagrereview kami for finals tapos ikaw sembreak niyo na. Siya yung nag-open ng door nun eh." sagot niya. "I think inissue niya tayo nun eh."
"Talaga?! Hahahahaha. Lahat na lang talaga oh."
"Sino bang hindi magtataka eh bigla-bigla kang dadating sa dorm namin in the middle of the night na may dalang pagkain diba?"
"Nagcrave ka sa nuggets eh. Alangan di kita pagbigyan." sagot ko.
"If I know. Gusto mo lang talaga akong makita nun." asar niya. Natawa ako saka ko pa siya pingot sa ilong.
"Oo na! Kailangan ipamukha? Hahahaha."
"Naman! Eh crush mo ko nun eh."
"Sus. Crush mo din naman ako nun. If I know kinilig ka nung dumating ako nun."
"Parang di naman..." nakangising sabi niya. Tinignan ko siya ng masama at napahagalpak naman siya sa tawa sa akin. "Oo na kinilig na. Pero di mo naman nahalata eh."
"Maybe nahalata ko. Di ko lang pinaalam sayo." asar ko.
"Che! Ewan ko sayo." aniya at namula pa ang pisngi. Natawa naman ako saka na lang kinuha ang kamay niya at hinalikan yun.
"I think we had a fight the day before that." sabi ko.
"Dude kasi bakit di ka na lang magsorry kay V. Ikaw naman pala tong gagong nang-asar diyan." ani Nicolo habang naglalaro kami ng 2-on-2 sa basketball sa bahay.
"Wala naman kasi akong ginawa eh. I just told her na bakit di si Dominic yung sabihan niya nun."
"Still, di mo dapat inasar. Alam mo na ngang heartbroken yung tao dun kay Dominic sasabayan mo pa." singit naman ni Max.
"Fine. Ako na mali. Lagi naman diba?" sabi ko at nagshoot na mula sa 3-point line.
"Apologize pare." ani Xavier.
"Yeah. Ang alam ko finals na nila this week. Why don't you help her sa review niya since wala naman na tayong klase diba?"
"Pag-iisipan ko. Baka kasi beastmode pa siya saken eh."
"Hahaha. Eh konting lambing mo lang naman dun bumibigay na yun eh." ani Max.
Nang makauwi na sila ay nagkulong na ako sa kwarto. Paano nga ba ako magsosorry kay Violet? Makikipag-usap kaya saken yun? Agad kong tinext si Margaux para alamin kung nasa dorm ba si Violet. Baka kasi wala nanaman at magmukha lang akong tanga.
Me:
M, nasa dorm ka?
Margaux:
Wala eh. Andito ako sa groupmate ko. Nagrereview kami. Bakit?
Me:
I need your help. Nasa dorm ba si V? Di ako kinakausap eh.
Margaux: