14

368 13 1
                                    

A/N:

Vote. Comment. Tag me on Twirrer.

❤️DERPHERP


*****




Chapter 14

What the fuck? Ilang klaseng napkin ba meron sa mundo at parang nainvade naman ata nila tong buong grocery. Kanina pa ko nakatanga dito at nakatingin sa mga napkin sa shelves at hindi ko alam kung alin dito ang gamit ni Violet. Tanga ko kasi eh. Sobrang pagpanic ko kanina kumaripas na lang ako ng takbo palabas ng kwarto niya at paalis ng hospital para bilhan siya ng napkin na hindi ko naman natanong kung ano. I even left my phone with her. Hay nako, Sebastian. So much for making it up with your girl.

Luminga ako sa aisle at saktong may nakitang isang babaeng pumipili rin ata ng napkin. Nilapitan ko siya saka kinalabit.

"Uhm... Excuse me miss, pwedeng magpatulong?" tanong ko.

"I-I don't work here." kunot-noong sambit niya.

"No! I mean. Patulong ako with choosing a napkin..." ramdam kong pumupula ang tenga ko dahil dun at nakita ko namang nanlaki ang mata niya. "Ganito kasi yun. My girlfriend has her period eh kaya lang nakaconfine siya sa hospital because of dengue so I have to rush here and buy her napkin for her. Ang kaso lang I don't know kung alin sa mga to ang mas okay..." paliwanag ka.

"Ah okay. Uhm... Yung girlfriend mo ba heavy flow lagi ang period?"

"Uhm... Hindi ko alam." sagot ko.

"Hm. Sige ganito na lang. Bilhan mo siya nitong with wings na all-night pads para comfortable siya." aniya sabay abot sa akin ng isang pack ng napkin.

"Tingin mo kasya na to?" tanong ko. "Wala bang mas marami dito?"

"Bili ka na lang ng 2 packs. They usually just come in 8s per pack eh. Just to be sure dalawahin mo na." nakangiting sabi niya. Tumango na ako saka na kumuha ng isa pang kagaya nitong inabot niya.

"Thank you ha? Nabobobo lang talaga ako sa ganito eh." natatawang sabi ko.

"Hahaha. You're welcome. Your girlfriend is very lucky to have you." aniya. Ngumiti na ako saka na umalis ng aisle at nagbayad.

Pagbalik ko sa hospital ay agad akong nagdiretso sa kwarto ni Violet at sa bathroom kung saan ko siya iniwan.

"Sorry natagalan ako. Nakalimutan ko kasing itanong sayo kung anong gamit mo. Buti may napagtanungan ako dun and she suggested these. Okay na ba to?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka ako tinanguan.

"Yeah. Ito madalas kong gamit eh. Thanks, babe." aniya. Tumango na ako saka na uli siya hinayaang matapos. Nang buksan niya uli ang pinto ay agad ko siyang sinalubong para alalayang makabalik sa kama niya. "Okay na ba? Ano palang sukat nung urine mo?"

"90cc siya." aniya. Tumango na ako saka na sinulat sa notebook. Nilagay ko na rin na meron siya ng araw na yun para masabihan kami ng nurse kung may effect ba yun sa dengue niya. "Babe nagrring yung phone mo."

"Baka si Riley yan." sabi ko saka na sinagot ang tawag. "Yes bro?"

"Kuya anong floor kayo? And room number?"

"7th floor, Room 709 dude." sabi ko.

"Okay kuya. I'm on my way up." sagot niya naman.

"Ingat ka." sabi ko saka na tinapos ang call. "He's here." sabi ko.

"Ha?! H-hindi pa ko naliligo!" pagpapanic ni Violet saka pa pinilit na bumaba sa kama.

"Babe, it's okay." pigil ko.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon