33

217 2 0
                                    

Chapter 33

"Sa dinami-dami ng pwedeng sub bakit naman dental floss pa dude? Eh hindi ka naman dentista. Tsaka dude naman. Floss talaga?! Floss?!" di makapaniwalang sabi ni Xavier.

Andito kami sa bar ngayon at napagdesisyunan lang na mag-inuman. Wala lahat ng mga babae dahil nagyaya si Kai na magpunta sila sa spa. Kaya heto, boys day out kaming mga gago.

"He's been ranting about it since he saw V's IG post. Akala mo sa kanya ka nagpropose eh." bulong ni Nicolo sa akin. Natawa naman lang ako at hinayaang maghimutok si Xavier.

"That's, I guess the most epic proposal ever, man. Ikaw na talaga ang mataba utak sa barkada." sabi naman ni Kobe at nag-apir pa kami.

"But seriously, dude. Bakit nga dental floss?" pagtataka din ni Frank. Napangiti lang ako saka napakibit-balikat.

"Diba kasi nung mga bata tayo, kapag may inuutos or something laging tinatalian ni mama yung daliri ko ng sinulid para maalala ko yung utos niya. Eh ayun. I want V to remember that moment."

"Di niya naman kayang kalimutan yun. Eh that moment changed her future eh." ani Kobe.

"Yeah. But dude, kwento mo how she answered." nakangising sambit ni Nicolo.

The moment I popped the question ay tuluyan ng umagos ang luha mula sa mga mata niya. She was crying and laughing at the same time. Then she went for me and hugged me. Hindi ko alam kung ano ba ang sagot niya sa tanong ko but I think it's a good sign na tumatawa siya at niyayakap niya ko.

"Is that a yes?" tanong ko. Lumayo siya ng konti saka hinawi ang buhok ko.

"Yes in every language baby." aniya saka na ko muling niyakap. Napalapad na lang ang ngiti ko at yumakap na rin pabalik sa kanya. "I love you, Sebastian..."

"I love you too, Violet Corpus." nakangiting sagot ko. Natawa nanaman siya saka muling lumayo.

"Babe, you just proposed. Ang bilis namang nabago ng surname ko." nakangising sambit niya.

"Ganun din naman eh. You'll be my Mrs. Corpus soon din naman." sabi ko. "Yung singsing, to follow na lang babe."

Humalik siya sa akin saka pa sinandal ang ulo niya sa dibdib ko.

"Alam mo, this is the best engagement ring I've seen. Walang ganito sa jewelry stores no. This is priceless. Kaya kahit walang engagement ring na tunay, kuntento na ko dito. It's you who matters to me. As long as I get to see you at the end of the altar then I am contented with this." aniya. Hinalikan ko siya sa sintido saka pa niyakap ng mahigpit. "Let's take a picture." aniya saka na kinuha ang phone niya mula sa night table at pinicturan ang improvised engagement ring na binigay ko.

"Magugulat silang lahat diyan for sure." sabi ko. Tumango naman siya saka na pinost ang picture ng kamay niyang may dental floss.

"Wala na talaga. Sayo pa rin ang korona ng pinaka may matabang utak sa barkada. Minsan dude try mo namang i-share samen ha? Para naman makabingwit na kami ng pwedeng girlfriend." ani Max.

"Gago." natatawang sabi ko. "Wala sa taba ng utak yan mga dude. Nasa puso yan. Diba Nicolo?" dagdag ko pa sabay tingin kay Nicolo na tumatango lang naman.

"Edi kayong dalawa na may maayos na buhay. Edi kami na mga patapon." ani Kobe.

"Makakahanap din kayo. Wag kasi kayong atat diyan." ani Nicolo.

"Congrats, dude. Kahit di ko gets why you used a dental floss, I'm still happy for you and V." ani Xavier matapos siyang makipagtalo sa sarili tungkol sa proposal ko. "At dahil diyan pare, nabigyan mo ko ng idea kung anong gagawin ko kapag nagyaya akong magpakasal."

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon