17

433 9 0
                                    

A/N:

Happy New Year, everyone! Let's start the year right, mkay?

Thank you for reading my stories be it an ff or not. And for making my year as a frustrated writer fun. You guys are the best! Cheers to 2016! 🍻😂

Anyway. Y'all know what to do.

Vote. Comment. Tag.

❤️DERPHERP.

*****


Chapter 17

Gabi na nang dumating ang mommy ni Violet na si Tita Vicky. Hinintay pa kasi niya ang kambal galing sa school nila at sabay-sabay na silang nagtungo dito sa hospital.

"Kamusta na anak?" tanong ni Tita Vicky kay Violet.

"I'm fine ma. The doctor came this morning. Wala na kong fever so sabi niya pwede na kong makalabas tomorrow." aniya.

"That's nice. Atleast hindi ka na magtatagal dito. I know how much you hate the hospital." ani tita.

"Yeah. Pero okay naman na ko sa hospitals. I have Basti with me." sagot naman ni Violet. Tumingin sa akin si Tita Vicky saka niya ako nilapitan at hinawakan ang kamay.

"It's so nice to know na inaalagaan mo uli ang anak ko, Sebastian. My baby missed you so much kaya ngayong nakita kong magkasama na uli kayo, natutuwa ako."

"Ma, nilalaglag mo naman ako kay Basti eh." namumulang sabi ni Violet.

"Hahaha. I remembered that one time na nagmumukmok si ate sa bahay, ma. Naalala mo yun dude?" tanong ni Garret sa kakambal.

"Wait. Yun ba yung umuwi si ate without any reason sa bahay tapos nagdadabog siya pagdating niya?" ani Gavin.

"Hoy!" pigil naman ni Violet sa mga kapatid.

"Oo dude! Ano nga uli yung sinisigaw niya nun?" tanong nanaman ni Garret sabay tingin pa sa ate nila ng nakakaloko.

"Alam ko yun dude eh. Ano nga yun? Ah! Sabi niya, 'GUSTO KO NA MAKITA SI BASTI!!! IBIGAY NIYO SI BASTI SAKEN!!!' Hahahahahahaha." naghagalpakan ang kambal at nag-apir pa samantalang si Violet naman ay pulang-pula lang ang mukha. Binato niya ng unan ang mga kapatid niya at lalo lang namang tumawa ang dalawa.

"Ma, yung kambal oh!" angal niya.

"Aww sweetie. You know your brothers. Masyado kang mahal ng mga yan that they always remember your moments sa bahay." ani tita sabay yakap sa kanya. "But you were so mad that day anak. Lahat kami inaaway mo nun."

"Ma pati ba naman ikaw?!" aniya pa.

"Ate, wag mo na kasi ideny na ginawa mo yun. Gavin and I have proof." ani Garret.

"What do you mean?" tanong naman ni Violet. Ngumisi ang kambal saka pa siniko ni Garret si Gavin at nilabas naman ng huli ang phone niya. "You did not!! Gavin!!!"

"Hahahahaha. We were planning to compile your angry moments ate. Gagawin naming movie ni Garret."

"Yeah. Tapos ang title 'The Chronicles of Violet: the search for her lost Sebastian.' Odiba?! Astig yun!"

"Argh! Bwiset talaga kayo!" iritang sabi ni Violet. "Umuwi na nga kayo!"

"Walang driver si mama. Di pwedeng iwan." sabay na sabi ng kambal.

"Bwiset!"

"When's the premiere night?" tanong ko. Humagalpak lalo ang kambal at tinignan naman ako ng masama ni Violet. "What?"

"Iwan kita gusto mo?" banta niya. Nagtaas lang naman ako ng kilay sa kanya at saka pa ngumisi. "Gagawin ko talaga yun. Kampihan mo pa yang mga kapatid ko sige."

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon