23

330 8 2
                                    

Chapter 23

Pagdating ko sa bahay ay tuwang-tuwa akong sinalubong ni Manang Belen. Nakangisi pa siya nang pagbuksan ako ng gate at pagkababa ko ay agad na yumakap sa akin.

"Kamusta ka na anak? Isang linggo ka ring hindi umuwi ah. Sabi ng kapatid mo may girlfriend ka na daw. Si Violet ba yan? Ha?"

"Namiss ko kayo manang." sabi ko at umakbay pa sa kanya habang papasok kami ng bahay.

"Aysus ang alaga ko. Ano nga anak? Kayo na ba ni Violet? Nagkatotoo na ba yung hiling ko sa Mahal na Birhen ha?"

"Ano po?" natatawang tanong ko.

"Nako. Ilang itlog kaya ang naialay ko sa Sta. Clara para lang magkatuluyan kayo no. At minsan nagpupunta pa ako sa St. Jude para lang ipagdasal kayo."

"Grabe ka naman manang." sabi ko.

"Aba anak, simula bata ka eh alam mong si Violet na ang gusto ko para sayo. Syempre yaya mo na ko mula maliit ka. Kilala na kita. Kabisado ko nga ilan bilang ng buhok mo eh." aniya pa.

"Weh? Sige nga manang. Ilan nga?" biro ko.

"Matanda na ko ngayon. Tigilan mo ko." sabi niya at nagtawanan kaming dalawa. "Masaya ako para sa inyo."

"Salamat po. Sana nga manang pang matagalan na to eh." singhap ko saka umupo sa bar counter. Nagsimula naman na siyang maghain at hinayaan ko lang siyang kumilos sa kusina.

"Magtatagal yan. Matagal din kasi bago binigay sa inyo kaya panigurado magtatagal yan." aniya. "Tsaka nak, mahal niyo naman ang isa't isa. Nagawa niyo ngang maghintay diba?"

"Natatakot lang ako ma baka biglang bawiin. Baka magising na lang ako isang araw at marealize na isang panaginip lang pala lahat ng to." sabi ko. Sinampal naman ako ni manang dahilan para mapahiyaw ako. "Aray!"

"Ayan. Para alam mong di panaginip to." aniya saka na naglagay ng baso sa tabi ko. "Anak, wag mong katakutan ang kinabukasan. Ang mahalaga, ma-enjoy mo yung ngayon. Yung mga oras na kasama mo ang pamilya mo. Mga oras na kasama mo mga kaibigan mo at yung mga oras na kasama mo siya. Wag kang mabahala sa kung anong pwedeng mangyari bukas. Planado na ng Diyos lahat yan. At hindi Niya hahayaang maging miserable ka na lang habambuhay."

"You're right. I just have to believe in what is happening now diba?"

"Tama. Kaya kumain ka na, maligo ka at magpahinga ka na sa kwarto mo."

"Okay manang. Pero if ever makatulog ako, pakigising naman ako before 4. Susunduin ko pa si Violet sa opisina niya eh."

"Sige. Iwanan mo na lang sa lababo yang pinagkainan mo ha? Titignan ko lang yung sinampay para matawagan na si Virgie. Yung maruming damit mo pala amin na at nang malabhan na ni Inday yan ngayon." kinuha na niya ang backpack ko saka inalis lahat ng maruming damit at saka na nagtuloy sa quarters nila.

Tahimik na akong kumain habang nagbabasa ng messages galing kay Violet.

Baby❤️:

I miss you already 😔
Babe, nasa bahay ka na ba? I love you! 😘
M and Borgie cornered me. Grabe na talaga tong dalawang to! 🙈😂
Hey, reply ka naman. Are you still driving or nakatulog ka na?

Agad naman akong nagtype ng message sa kanya. Kanina lang naman to habang nasa biyahe ako. Hindi ko siya mareplyan agad dahil nagmamaneho ako.

Me:

I miss you too baby. Sorry if I wasn't able to reply agad. I was driving po kasi but I'm home na. Halos kakadating ko lang. Yang dalawang yan talaga kapag hinarass ka nila just call me okay? Susugod ako diyan to save you! Hahahaha. Babe, nacorner din ako ni MB pagdating ko. Nakakatawa pa yung sinabi niya. Hahahahaha. Anyway, I know you're busy with work. Eat your lunch ha? Wag kang papalipas. Mangangayayat ka. Di ka na huggable pag ganun. 😂 I love you, baby! 😘

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon