Chapter 22
"Babe, wake up..." narinig ko ang malambing na boses ni Violet. Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang matamis niyang ngiti. "Hey..."
"Good morning." bati ko. Humalik naman agad siya sa akin at pagkatapos ay hinila na ako para maupo sa kama.
"I have to go to work today, babe. Nahihiya na ko kay M kasi almost two weeks na kong di pumapasok." aniya. "Paano pala tayo nakauwi?" pagtataka niya pa.
"I drove us home. Hindi naman ako nalasing kagabi eh." sagot ko. "You fell asleep habang nasa Starbucks tayo."
"Really? Wow. Na-vetsin ata ako ng mga pinsan ko." aniya. Natawa naman ako saka hinawi ang buhok niya.
"Nag-enjoy ka ba kagabi?" tanong ko.
"Yes. Sobrang enjoy. I spent time with my family and I have you with me. Sino bang di magiging masaya dun diba?" aniya.
"Very good." sabi ko at humalik sa noo niya. "Halika na. Luto tayong breakfast mo then I'll bring you to work." tumango na siya saka na kami lumabas ng kwarto.
Nang matapos magluto at mag-almusal ay agad na naghanda si Violet para punasok sa trabaho. Inayos ko na rin naman ang gamit ko para sa pag-uwi ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng damit sa bag nang naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko.
"Babe... Uuwi ka na talaga?" tanong niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya saka siya inikot para mapunta sa harap ko. Nakabathrobe lang siya at nakabalot pa ang buhok niya sa towel niya. Nakanguso siya habang nakatingin ng malungkot sa akin.
"Susunduin naman kita later before I go to the bar eh. Why, baby?"
"Mag-isa na lang ako dito sa condo..."
"Babe... Diba pinag-usapan na natin to?"
"But I don't want you to go home." mangiyak-ngiyak na sabi niya. Hinaplos ko ang mukha niya at agad naman siyang yumakap sa akin.
"I'm gonna stay with you every weekend naman eh." sabi ko. "Osige. Ganito na lang ha? Sama kita later sa bar after your work. Close naman kami on Mondays eh. Then after natin dun mag dinner tayo sa labas before kita iuwi dito."
"Can you sleep here kahit hanggang mamaya? Please baby? Can I have you every Friday to Monday?" natawa ako sa pamimilit niya sa akin. Para kasi siyang bata na humihingi ng favor sa magulang.
"Hm..." sabi ko.
"Please baby? Please please please." aniya pa.
"Kiss mo muna ko." sabi ko. Agad naman siyang tumingkayad saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "Bitin eh. Isa pa."
"Babe naman eh!" ingit niya. Natawa ako lalo saka ko na lang siya niyakap at inangat ng konti saka hinalikan. Naramdaman kong pinulupot niya ang legs niya sa katawan ko at ang mga braso niya'y nakayakap sa leeg ko. Pagkatapos ko siyang halikan sa labi ay humalik naman ako sa noo at pisngi niya bago ko siya binaba uli.
"Fine. I'm gonna stay here until tonight. And you can have me from Friday until Monday."
"Really?" tumango ako at napatili siya saka napayakap uli sa akin. "I love you baby! You're the best!"
"Hahahaha. I love you too. Get dressed na before I do something to you pa." sabi ko. Agad naman siyang namula saka na tumakbo pabalik sa kwarto niya.
"Let's go baby." aniya nang makalabas na uli siya. Dala na niya ang bag niya at may katext nanaman sa phone niya. Siguro si Margaux yun at pinaalam na niyang papasok na siya. "I texted M na papunta na ko dun."
"Okay." sagot ko. "Di ka ba magsusuklay?" tanong ko pa.
"Sa car na lang." aniya. Tumango na ako saka na kami lumabas ng unit niya at nagpunta sa parking lot.