Chapter 21
Nilibot ako ni Violet sa lahat ng tables na andun ang pamilya niya. Agad akong binati at kinamayan ng mga tito niya at humalik naman sa pisngi ko ang mga tita niya. Lumapit din kami sa table kung san andun sina Tita Vicky at pagkakita niya sa akin ay napangisi agad siya at saka pa may binulong sa katabi niyang si Tita Judith.
"There you are. Kanina pa namin kayo hinahanap." ani Tita Vicky. Bumeso siya sa amin ni Violet saka humarap kanila Tita Judith. "Ate, si Sebastian. You remember him?"
"Sebastian? Ah! Violet's suitor!" ani Tita Judith. "Diba niligawan mo ang inaanak ko nung bata kayo?"
"Ninang..." namumulang sabi ni Violet. "Hindi po ako nililigawan ni Basti dati. We were just good friends." aniya pa.
"Ngayon lang naging sila, ate." natatawang sabi naman ni Tita Vicky.
"Took them years to finally admit it." ani Garret.
"8 long years bro. 8 long years." gatong naman ni Gavin. Inambahan sila ni Violet ng suntok pero pinigilan ko naman agad siya. Tumawa na lang ang kambal saka na umalis ng mesa para saluhan ang iba pang pinsan nila.
"Well atleast sila pa din naman. Kesyo niligawan noon o hindi, the point is sila na ngayon." ani Tita Judith. "You two look great."
"Thank you po." sabi ko.
"Why don't you go to your lola para mabati niyo and then kumain na kayong dalawa. Panigurado gutom na kayo." sabi naman ni Tita Vicky sa amin. Tumango na kami ni Violet at nag-excuse na sa mesa nila saka nagpunta sa presidential table kung saan nakaupo si Lola Priscilla kasama ang panganay na anak niyang si Tito David. Nakangisi agad si Lola Priscilla pagkakita pa lang kay Violet. Nilahad niya ang kamay niya rito at kinuha naman ni Violet yun saka niyakap ang lola niya.
"Apo ko..." ani Lola Priscilla.
"Hi, lola. Happy happy birthday!" bati niya sabay halik pa sa noo ni Lola Priscilla.
"Thank you, dear. How are you? Your mom said naconfine ka daw? Okay ka na ba?"
"She looks fine na, ma. You know Violet. Malakas ang batang yan." ani Tito David. Nagmano sa kanya si Violet at pinisil naman niya ang kamay nito. "Mukhang nay ipapakilala ka ata kay lola mo."
"Opo, tito." tango niya. Tumingin siya sa akin saka nilahad ang kamay niya. Kinuha ko naman yun at lumapit ako kay Lola Priscilla. "Lola, this is Sebastian. You remember him? Yung kinukwento ko sayo."
"Ah yes! Naalala ko. You told me a lot of stories about him." aniya sabay ngiti sa akin.
"Well, lola. Kami na po. Sebastian's my boyfriend." aniya.
"Good evening, Lola Priscilla. Happy birthday po." sabi ko at nagmano pa. Ngumiti ng matamis sa akin si Lola Priscilla at matagal niya akong tinitigan.
"You remind me of Rodrigo." sabi niya saka pa ko hinawakan sa mukha. Tumingin ako kay Tito David saka pa siya natawa.
"Rodrigo's my dad." aniya. "Medyo hawig mo nga si papa."
"Thank you po." sabi ko.
"Matagal ng in love sayo tong apo ko eh. Mabuti naman naging kayo na. Ganyan din kami ng lolo niyo. Nung dalaga ako, may iba akong gusto. Kaibigan ko ang Lolo Rodrigo niyo nun. Magkumpare kasi ang mga tatay namin at sabay na kaming lumaki kaya parang magkapatid na rin ang turing namin sa isa't isa. But then one day, I saw him differently. Tinago ko because I don't want to lose our 16 years of friendship. Pinadala pa ko sa America ng mama ko para dun mag-aral. Ang akala ko hindi na niya ko matatandaan pag bumalik ako dito. Pagdating ko sa Pilipinas, he looked more handsome than he was 6 years ago. But he was still my Rodrigo. And then he told me he has been waiting for me all along. At tignan niyo. We were blessed with 11 loving children and 37 grandchildren and 4 great grandchildren. Kaya maganda yang nangyari sa inyo. True love waits. Kung kayo talaga, kahit ilang beses kayong paglayuin ng pagkakataon, dadating yung panahon na pagtatagpuin kayo at magkakaron kayo ng chance para iparamdam sa isa't isa ang pagmamahalan niyo."