38

187 2 0
                                    

Chapter 38

"W-what are you doing here?" gulat na tanong ni Violet nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti lang naman ako saka pinakita sa kanya ang isang box ng pizza at isang paperbag galing sa Mcdo.

"I thought you might want some midnight snack with me." nakangising sabi ko. Natawa naman siya saka ako niyakap at mabilis na hinalikan sa labi.

"And a good movie too." aniya.

"Yes." tango ko.

Pumasok na kami sa unit niya habang hawak niya ako sa isang kamay. Nagdiretso na kami sa sala at sinet-up na niya ang tv at ang papanoorin naming movie.

"Hm. What do you want to watch, baby?" tanong niya.

"Kung anong gusto mo." sabi ko. Tumango na siya saka na naglagay ng cd sa loob ng player. "Anong movie napili mo?" tanong ko pagkaupo niya sa tabi ko.

"Yung favorite mo." aniya saka pa pinatong ang binti niya sa akin.

"Hm. X-Men: First Class?" tanong ko pero umiling siya. "Wait. Man of Steel?"

"Nope." pagkasabi niya nun ay sakto namang lumiwanag na ang tv screen niya at lumabas na ang opening credits. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bidang artista at saka pa napalingon sa ngayo'y tumatawang si Violet. "I love you." aniya.

"This is not my favorite movie, babe. Magic Mike XXL talaga?" sabi ko. Humalik lang naman siya sa akin saka pa ako niyakap at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Yeah. I know that baby but Channing Tatum's in it." sagot naman niya.

"So manonood tayo ng movie ng all-time crush mo?"

"Medyo." nakangising sabi niya saka pa humalik sa pisngi ko. "Crush lang naman. Ikaw naman love ko eh." dagdag pa niya. Suminghap na lang ako at hinayaan na lang magpatuloy ang movie. Wala naman akong choice. My wife wants to watch her crush's movie so be it.

Kalagitnaan ng movie ay kilig na kilig pa rin si Violet. Naiinis na ko kasi hinahampas niya pa ko sa tuwing nakikita niya si Channing Tatum. Alam ko namang di ako dapat mainis since Channing doesn't even know she exists pero di ko talaga maiwasan eh! Makakilig naman siya parang di niya katabi boyfriend slash secret husband niya. Hello?! Andito ako oh.

"Hay. Channing's sooooo dreamy." lutang na sabi niya nang matapos na finally ang movie. Ini-off ko na ang tv saka na lang tumayo para magrefill ng softdrinks. "Ang gwapo niya babe no?"

"You said that a hundred times already." wala sa mood na sabi ko. Naramdaman ko namang tumayo siya mula sa sofa at maya-maya pa'y niyayakap na niya ko mula sa likod.

"Nagseselos ka ba?"

"Ano ba sa tingin mo?" tanong ko. Pinaharap niya ko sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Napapikit ako saka napasinghap bago ako muling tumitig sa kanya. "Okay, I'm sorry. Alam ko namang celebrity crush mo lang naman si Channing. Pero babe naman, wagas ka naman kasi kiligin. And to think na ako pa talaga katabi mo habang kinikilig ka sa kanya ha?"

"Sorry na..." aniya. Tumango na lang ako sa ko inangat ang baba niya.

"You're allowed to have a crush on him. Basta alam kong ako pa rin naman in the end diba?"

"Of course. Mas gwapo ka sa kanya no." sagot niya. Natawa ako saka ko piningot ang ilong niya.

"Joke time ka nanaman. Halika nga dito." sabi ko at niyakap siya. Siniksik naman niya lalo ang sarili niya sa akin at naramdaman ko pa ang pagkagat niya sa dibdib ko. "Aray!"

"Napakaseloso talaga kahit artista pinagseselosan." aniya.

"Hahahaha. You can't blame me. Channing Tatum yun. Ultimate crush mo yun since Step Up no." sabi ko. Kinagat nanaman niya ako sa dibdib at natawa naman ako lalo. "Maubos naman ako babe! Hahahaha."

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon