7

411 18 1
                                    

A/N:

Comment. Vote. Tag me. You know the drill. 😉

❤️DERPHERP

*****

Chapter 7

"Cara?" utas ko. Tumango naman siya saka ngumiti ng matamis sa akin at agad na yumakap. "Hey! Kamusta ka na?"

"I'm doing good. Ikaw? Oh my god you look great. Ang gwapo-gwapo mo pa din!" aniya habang pinagmamasdan ako.

"Hey, Car!" bati ng dalawang ungas.

"Hi, boys! Looking good pa din ah. Chic magnets pa din?" pabirong tanong niya.

"Well, you know us naman, Cara. Nagkakandarapa lahat samen." pagyayabang ni Xavier na siyang tinanguan naman ni Max. Natawa na lang kami ni Cara saka pa siya muling bumaling sa akin.

"Ikaw! Ano ka na?" tanong niya.

"Ito, still in the business. Kakaopen lang uli nung bar. I thought pupunta ka?" tanong ko.

"Sorry na!" aniya sabay yakap uli. "That time kasi may business trip ako sa Thailand. Hindi kita nasabihan agad. Sorry, Basti." aniya.

"Hahaha. It's okay. Pwede ka naman pumunta dun anytime."

"Andun ka ba lagi?"

"The guy practically lives there, Cara. Umuuwi lang sa kanila yan para matulog. Hahaha." ani Max.

"Hey. Sabi ko sayo wag ka masyadong nagpapagod dun diba? Nako!" ani Cara sabay sapak pa sa akin.

"Hahaha. Hindi naman ako nagpapagod dun. Gusto ko lang kasi palaging namomonitor yung nangyayari dun. Kahit naman tiwala ako sa mga tao ko hindi pa rin naman natin maiiwasan ang aksidente." sagot ko.

"Typical Basti." sabay-sabay na sambit nila.

"Oo nga pala, asan sina Kai?" tanong niya. Sakto naman ay nakita na rin siya ng mga ito at umalingawngaw nanaman ang matinis na boses ni Kai sa buong ballroom.

"Cara Angeline De Vera!!!" tili ni Kai.

"Maria Kaitlyn Guevarra!!!" ani Cara. Nagyakapan silang dalawa saka pa humalik si Kai sa pisngi ni Cara.

"Musta ka na? Ikaw ha? Bigtime CPA ka na daw sabi saken ni Basti."

"Wag mong pakinggan yan. Pinaglololoko ka lang niyan." ani Cara sabay tingin pa ng masama sa akin.

"Totoo kaya yun!" sabi ko naman.

"Babalikan kita Basti. Magkkwentuhan lang kami ni bestfriend." banta niya pa saka na sila lumayo ni Kai at naupo sa isa sa mga round tables.

"Yang mga babalikan na yan minsan may double meaning yan eh." ani Nicolo saka kinuha ang isang tequila shot.

"Lahat na lang binibigyan niyo ng meaning."

"Haha. Pero astig pare. She dumped you 3x but you guys still have communication? Hindi ba durog na durog na yung ego mo nun?" pagtataka ni Max.

"We're friends. Tanggap ko naman that she can't love me more than a friend. Tsaka it's been years no. Wala naman na kong feelings sa kanya." sagot ko.

"Sabagay. Iba na gusto mo eh." ani Xavier.

"But I'm glad you and Cara are still friends. Diba?" sabi naman ni Nicolo. Uminom na rin ako ng isang shot at pagkatapos ay tumango.

"Oo naman. Wala naman na saken yun kung basted ako o hindi. The important thing here is we remained friends." tinapik nila ako sa likod at sabay-sabay na kaming uminom ng tequila shots.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon