39

220 3 1
                                    

Chapter 39

"Ma! Pa!" tawag ko nang makita dilang naglalakad sa airport. Napalingon agad sa amin si papa at agad na kinalabit si mama para ituro kami ni Violet.

"Hey you guys!" bati nila nang salubungin namin sila. Agad akong niyakap ni mama at hinalikan pa sa pisngi at si papa naman ay yumakap kay Violet.

"Kamusta po?" tanong ni Violet.

"We're good iha. Medyo pagod sa biyahe but we're good." sagot naman ni papa.

"Sweetie I missed you!" bulalas ni mama saka pa yumakap ng mahigpit kay Violet. "How are you anak? Di ba pinapasakit ng anak ko ang ulo mo?"

"Ma naman..." kamot-ulong sabi ko kaya natawa si papa at saka pa ko inakbayan.

"Hahaha. He's been a very good boy, tita. Di naman po masyadong nagpapasaway." kindat sa akin ni Violet.

"That's nice. Basti never disappointed anyone naman talaga. Mana saken to eh." sabat naman ni papa.

"Right!" tango ko.

"Hay nako nagsama nanaman ang dalawang mayabang." kunyaring inis na sambit ni mama.

"Hahahaha. Ma naman eh." sabi ko. "Why don't we go grab some lunch muna? I'm sure gutom na kayong dalawa ni papa."

"Sinabi mo pa anak. And I missed Filipino food. Sa LA, puro kami take-out ng mama niyo." reklamo ni papa.

"Yeah. We seldom have time to cook real food." dagdag naman ni mama.

"Nako ma. Since you guys are here, mabubusog kayo sa masasarap na pagkain. Violet makes the best Kare-Kare and Bulalo!" pagyayabang ko.

"Hindi naman." nahihiyang sambit ni Violet.

"You have to let me try that, Violet. Favorite ko pa naman ang Kare-Kare." sabi naman ni papa.

"He loves it lalo na pag manamis-namis yung lasa." narinig kong bulong ni mama kay Violet. "Kaya naman pala nananaba itong si Basti eh. Siguro wala kayong ginawa kundi ang kumain no? Hahahaha."

"Parang ganun na nga po, tita. Si Basti kasi kapag nagutom yan kahit madaling araw, nagyayaya talaga yan kumain. Susuungin namin ang Manila just to find an open restaurant. Eh hindi pa naman kuntento sa fastfood lang to." ani Violet.

"Mabuti nga yun. Ang laki ng pinayat ng batang to when he got sick. Kaya mabuti yang nakakabawi na siya." ani papa. "Ikaw iha, you look even more beautiful from the last time we saw you."

"Eh pa, nene pa siya nun eh. College pa kami nung huli niyo siyang nakita." sagot ko.

"Makatawag naman ng nene! Ano ka pa kaya?" ani Violet. Tumingin siya kay papa at nginitian pa ito bago nagpatuloy. "It'a been 8 years since we last saw each other, tito."

"Oo nga pala. Ang tagal na pala ano? Pakiramdam ko kahapon lang eh." ani papa saka pa napakamot sa ulo. "Anyway, saan ba tayo kakain?"

"Well, V and I thought na masarap maglunch sa Dampa. I'm sure namiss mo yung sinigang dun, pa." nakangising sabi ko.

"Sounds great. Let's go!" excited na sabi ni papa saka na naunang naglakad papuntang kotse.

"So iha, ikaw na nagmamanage ng business ni Vicky?" tanong ni mama nang makasakay na anag lahat at papunta na sa Libis.

"Opo, tita. I started managing the business when I was a graduating in college. Nung una medyo guided pa by mama then after graduation, pinaubaya na saken lahat ng responsibilities dun." sagot niya.

"That's nice. Bale, your business makes gowns or formal wears diba?"

"Yes po. Pero ngayon, we also organize events. Last month I was in Cebu kasi po may client kaming nagcelebrate ng 18th birthday dun."

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon