28

275 7 1
                                    

Chapter 28

Saturday came at dumating na rin si Ate Lara at Archie galing Cebu. Sa condo agad sila ni Violet nagtungo at pagkakita pa lang ni Sander sa mommy niya ay agad na itong tumakbo at nagpakarga.

"Hey, baby! How are you?" ani Ate Lara saka pa hinalikan nang hinalikan si Sander. "Mommy missed you. Did you missed me, anak?"

"Yes mommy!" ani Sander at yumakap pa.

"Kamusta siya, V?" tanong ni Ate Lara.

"Good boy naman ate. He and Basti had a lot of quality time." sagot niya.

"Taray! Daddy goals, Basti?" asar ni Archie. Tumawa lang naman ako saka pa nakipag-apir sa kanya.

"Mahilig ako sa bata eh." sagot ko naman.

"Kaya pala head over heels si Violeta sayo." irap niya saka pa natawa.

"Ayan ka nanaman sa Violeta mo, Archie ha. Gusto mo tawagin kita sa tunay mong pangalan?!" asar pabalik ni Violet.

"No na, dearest cousin. Okay na ko. Hahaha. Kaw naman di mabiro. Ang sensitive mo today." biglang lambing ni Archie. "Oh. May pasalubong kami sayo ni Larissa." dagdag pa niya sabay abot ng paperbag kay Violet.

"Hahaha. Ayan! Eh kung ganyan ka ba naman edi masaya pa lahat diba? Thanks, guys." ngisi ni Violet. "Aalis na ba agad kayo? Basti and I are planning to have lunch sa Maginhawa. You guys wanna come?"

"Ay go! Alam niyo namang wala akong tinatanggihan pag food ang involved." ani Archie. "Let's go Larissa!"

Sumunod na kaming tatlo sa kanya at sumakay na sa kotse ko.

"Anong nangyari sa Cebu? Nakahanap ka ba ng inspiration mo, Arch?" tanong ko kay Archie.

"Hm. Meron. Ang daming gwapo dun. Oh my god, V. Sana sinama ka namin!"

"Archie, mahiya ka naman kay Basti." ani Ate Lara.

"Ayoko nga. Inaaway ako ng kumag na to eh. Ilang beses kong tinatanong kung anong meron sa kanila nitong si V tapos showbiz makasagot?!"

"That's 10 years ago, Archie." ani Violet. "Besides, kahit naman isama mo ko dun, si Basti lang gusto ko."

"The ever so loyal bitch." irap ni Archie. Tumawa kaming apat at saka pa siya binatukan ni Ate Lara.

"Gaga ka talaga!" anito. "V, hindi naman naglikot si Sander or anything?"

"Hindi naman ate. He was pretty behaved actually. Basta iharap namin siya ni Basti sa TV or ipahiram ng iPad okay na siya eh."

"Wow. Nakinig talaga ang jugets sa motherhen." ani Archie saka pa niya hinalikan si Sander sa pisngi. "Baby, what did ninang feed you?"

"Ayskim!" bulalas ni Sander at nagtaas pa ng mga kamay. "Ayskim! Ayskim! Ayskim!"

"Kaya pala mukha ka ng banana split, Sander! Hahahaha." asar ni Archie. Hinampas naman siya ni Ate Lara at lalo naman siyang natawa.

"Loko ka ginawa mo namang ice cream tong anak ko! Hayop na to!"

"Hahahahaha. Atleast ice cream. Anong gusto mo? Kamukha na niya si Tobias? Ha? Hahahahahahahaha!"

"Gago ka talaga Archer Nicodemus!" ani Ate Lara at sinabunutan pa si Archie.

"Oh my god don't you dare say that mabahong name! My god naman Larissa!" tili ni Archie. Hinayaan na lang namin sila ni Violet sa pagtatalo nila.

"Masasanay ka din." bulong niya sa akin saka na hinawakan ang kamay ko. Pinagsalikop ko naman ang mga yun saka ko hinalikan ang kamay niya.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon