"Hi Erika?" bati niya
"Hi din" sagot ni Erika
"May hinintay ka ba gusto mo samahan muna kita dito para may kausap ka naman"
"Wag na parating na din naman si Xander"sagot ni Erika
"Si King lang pala hinihuntay mo okay lang dito muna ako. Para may kasama ka." Sabi niya
"Ikaw bahala" tanging sabi ni Erika.
Ilang minuto din silang naghintay sa waiting shed. Hinintay ni Erika ang kuya niya kasi sabay sila lagi.
"Gwen!" Tawag sa kanya at saka siya lumingon.
"Ba't ang tagal mo Xander. Kanina pa ako dito" Sabi niya sa kapatid.
"May pinuntahan lang ako saglit"
"Oh! Raiven nandito ka pala. anong ginagawa mo dito diba kanina ka pa umalis" tanong ng kuya niya sa kasama nito.
"Ah sinamahan ko lang si Erika nag-iisa kasi . Baka ma--- alam mo na" Paliwanag ni Raiven
"Ge salamat una na kami" sabi ng kuya ni Erika saka umalis.
--------
Raiven POV
Ang saya ko kahit titigan ko lang si erika kompleto na araw ko. Masilayan ko lang mag mukha niya , ang ngiti niya
Hindi ako magsasawang pagmasdan siya kahit sa malayo. O malapit man.
Lagi ko siyang sinusundan ng palihim. Gusto kong makasigurado na ligtas siya hindi ko hahayaang mapahamak pa ulit siya gaya ng nangyari dati. Kong nalaman ko agad yun makakapatay ako ng wala sa oras sa subrang galit ko. Lintik lang walang ganti. Galawin lang nila lahat wag lang si Erika wag lang nag babaeng mahal ko.
Matagal ko ng mahal si erika simula n'ong high school pa lang kami. Unang beses ko lang nakita tumibok na agad puso ko. At alam kong siya lang ang mamahalin ko siya lang ang gusto ko
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maamin sa kanya ang nararamdaman ko. Kahit kating-kati na akong sabihin sa kanya kung ga'no ko siya kamahal.
Ayokong isipin ng kapatid niya na tinatraydor ko ang grupo. Malaki ang respeto namin sa isa't-isa. At ayoko rin na masira ako sa grupo dahil lang sa mahal ko si Erika.
Hangga't kaya ko hindi ko muna sasabihin sa kanya ang totoo. Hahanap ako ng tamang pagkakataon. Ayokong biglain baka maging dahilan pa yun na hindi ako paniwalaan ni Erika.
Hays pag-ibig nga naman.
Erika's POV
GOSH! Halos kapusin ako ng hininga Sinamahan ako ni raiven kanina. Katabi ko siya sa upuan habang hinihintay ko si Xander. Hindi ko intensyon na snobin at tratuhin siya ng ganun. Sadyang nahihiya lang ako kanina.
Tuwing nanadyan si Raiven bigla nalang bumibilis tibok ng puso ko. Para sasabog na sa subrang kilig na nararamdaman ko.
Hindi ko maikakailang mahal ko siya,siya lang naman ang kayang magpatibok ng puso ko ng ganito kabilis. At siya lang ang nagpapakilig sa akin kahit titigan ko lang siya kinikilig na ako.
Gusto ko pa sana makasama si Raiven kanina kaso biglang dumating si Xander. Kaya ayon umalis nalang kami. Ayoko din naman malaman ni Xander. Hanggang ngayon tinatago ko pa rin sa kapatid ko ang totoo na gusto ko si Raiven.
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon niya. Siguro kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko kay Raiven. Kahit anong gawin ko alam kong hindi papayag si Xander.
Ayokong magalit ang kapatid ko sa'kin. Alam kong mahal ako ni kuya. Hindi niya hahayaan na mapunta ako kung kanino lang pero si Raiven kasi yun kilala niya. Aish! Nakakainis bakit ba ang hirap nito.
Bakit si Raiven pa minahal ko. Alam ko namang bawal sa grupo nila na magkagusto sa'kin bilang respeto nila kay kuya as leader ng gang.
Dapat ko na talaga matutunan na kalimutan ang nararamdaman ko kay Raiven.
Para sa ikakatahimik ng kalooban ko. Para hindi na rin ako masaktan sa pagtago ng nararamdaman ko.
Habang tumatagal lalo kong minahal si Raiven at lalo din akong nasasaktan dahil hindi ko masabi sa taong mahal ko na mahal ko siya. Hindi ko maiparamdam sa taong yun na mahalaga siya.
Ang sakit kasi hindi kami pwede.
Tatanggapin ko nalang ang sakit, Siguro nga ay hindi kami para sa isa't-isa. Hindi ko alam kung kakayanin kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya kung lagi ko naman siyang nakikita. Paano ko maalis sa puso ko ang pagmamahal ko sa kanya na sa mahabang panahon ay walang nagbago. Sa bawat araw na dumaan ay lalo ko siyang minamahal.
Kahit magsinungaling ako pero kayang magsinungaling ng puso ko sa totoong nararamdaman nito.
Bakit ba ang hirap magmahal ng taong malapit nga sa'yo halos abot muna pero hindi pwede. Dahil may masasaktan ako kapag tinuloy ko ang pagmamahal ko kay Raiven.
A/N : wala akong maisip na e.entro. ito lang nakayanan ko.
Pahinge naman ng comment sa chapter na'to !
<3 Yhaniie