CHAPTER 6 ❤

255 44 13
                                    


Erika's POV

Ilang linggo na rin hindi ako pinapansin ni Raiven. Nakakapanibago hindi ako sanay o sadyang napagod lang siya sa kakapansin sa'kin. Wala naman akong matandaang nagawang kasalanan sa kanya. Hindi ko rin mabasa kong ano nasa isip niya. Minsan naabutan ko siyang tuliro. Malalim iniisip parang timang. Pero nakakasagot naman kapag tinanong ng prof.

Sa mga araw na hindi ako pinapansin ni Raiven ay panay din ang pagyaya ni Cliff sa'kin kung saan-saan ako dinadala. Sabi pa niya ipasyal ko raw siya kasi matagal siyang nawala sa bansa kaya gusto niyang mapasyalan mga magagandang lugar dito. Ano naman alam ko ni hindi nga ako makagala kasi di ako pinapayagan ni kuya buti at napapayag niya si kuya na ipasyal ako ni Cliff. Nakakatawang isipin na embis ako ang dapat magturo sa kanya sa mga dapat pasyalan ay ako ang dinadala niya sa mga lugar na pareho naming hindi alam. Kahit kailan ay hindi pumalya si Cliff na pasayahin ako. Dati rati ay ganyan din siya sa'kin bigla nalang niya ako sinusurprise. Kahit hindi ko naman gusto ay kusa niyabg binibigay kahit hindi ko birthday bigla nalang niya akong binibigyan ng regalo kung hindi ko lang gusto si Raiven. Siguro siya na ang nagustuhan ko. Hindi sa nag-aasume ako kahit assumera ako minsan pero pakiramdam ko may iba sa mga kilos ni Cliff. Hindi tulad ng dati hindi siya showy dati pero sweet siya kahit papano. Pero iba ang nararamdaman ko sa bawat kilos na pinapakita niya sa'kin.

Ayokong makasakit ng kahit sino kung sakali mang tama ang hinala ko. Si Raiven ang gusto ko. At bestfriend ang turing ko kay Cliff. Ayokong umabot sa punto na may masaktan ako.

Maya maya pa ay dumating na ang prof. Kasunod niyang pumasok sila kuya. Hindi ko napansin si Rhian. Saan na naman ang babaeng yun. Parang iba din ang aura ni kuya ngayon. Siguro dahil wala si Rhian. In love na kaya siya kay Rhian yee ! Kinikilig ako.

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss


Natapos ang klase na parang wala lang nanibago talaga ako kay Raiven hindi niya ako pinapansin.

Huhu ! Nasasaktan ako sa ginagawa niyang pag-iwas.

Napagdesisyonan kong kausapin si Raiven. Hindi ko kayang patagalin pa ang pag-iiwas sa'kin. Ayoko na parang ang cold niya sa'kin. Wala naman akong ginawa para maging ganyan ang trato niya sa'kin. Nauna akong lumabas sa kanya sila kuya ay nauna na rin. Tamang tama at siya nalang ang naiwan kasi ayokong makahalata si Xander. Akmang lalabas na si Raiven ng harangan ko ang pinto.

"Raiven! Can we talk?" Tanong ko sa kanya. Iniangat niya ang kanya ulo at walang emosyong nakatitig sa'kin. Para tuloy tinutusok ang dibdib ko sa pagtingin niya sa'kin. Hindi ito ang Raiven na masayahin.

"Kung may sasabihin ka. Pakibilisan kasi may gagawin pa ako." Walang emosyon niyang sabi.

"Iniiwasan mo ba ako?I mean ilang linggo mo na kasi akong hindi pinapansin hindi kinakausap. Hindi ka naman kasi ganun eh! Nakakapanibago lang."

"May rason ba para iwasan kita?"

"Wala naman. Kaya nga tinatanong kita kasi napapansin kong umiiwas ka."

"Busy ako Erika. At kung wala ka ng sasabihin pwede ba padaanin mo na ako." Nanatiling walang emosyon niyang sabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdam pero isa lang ang nasa utak ko at nararamdaman yun mismo ng puso ko Nasasaktan ako. Gusto kong maiyak pero parang pati luha ko umuurong. Hindi ko mapansin na nakalabas na pala si Raiven. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na ng tuluyan naiwan akong tulala at nasasaktan talaga ako sa inasal niya sa'kin.

Hanggang sa nakauwi ako. Para akong wala sa sarili. Dumirecho lang ako a kwarto at dun ko nilabas ang luha na kanina ay ayaw lumabas sa mata ko. Gusto kong yakapin si Raiven. Hindi ko kayang ganun siya sa'kin kasi hindi ako sanay. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.

Nagising ako ng madaling araw hindi ko namalayan na haba pala ng tulog ko hapon ako umuwi tapos nakatulog. Bumangon ako at naligo hindi ko manlang naramdaman ang gutom. ewan ko kung bakit, Nang matapos akong maligo nanatili lang ako sa kwarto ko. Ayokong bumaba wala ako sa mood. Nagfacebook nalang ako kasi hindi na ako naantok.

Nanalaki ang mata ko ng mabasa ang status ni Raiven sa Facebook.


Raiven Clyde Myer

1hr ago

"Masakit isipin na mahal mo siya pero hindi mo masabi sa kanya ang mga salitang yun! Mas pipiliin mo nalang umiwas kahit masaktan ka man kesa magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang mahalin mabalik."


1454K Likes 200 Comments

Habang binabasa ko ang Qoute na status niya di ko mapigilang kabahan. Pakiramdam ko para sa'kin ang mga sinasabi niyang yun. Para ako ang tinutukoy niya ayoko talaga mag-assune pero parang may parti ng puso ko na nasiyahan ako sa nabasa ko. Hinihiling na sana ako ang tinutukoy niya. Kung ako man sakali yun ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo at kung ako man yun. Hindi ko hahayaang masaktan siya kasi matagal ko na din siyang mahal.




Cliff's POV

Parang kakaiba ang napapansin ko sa kapatid ko sa ilang linggo kong pananatili sa mansion. Hindi normal na kilos na batid kong hindi lang ako na nakakapansin. Kahit hindi man siya magsalita ay alam kong ako ang dahilan. Sa tuwing lumalabas kami ni Erika. Alam kong palihim siyang sumusunod samin. Hindi ko alam kong bakit niya ginagawa niya ang mga yun. Ganyan ba siya kawalang tiwala sa'kin para sundan si Erika kung sino at ano man ang mga sinagawa at mga sinasamahan nito kahit magkaklase pa sila. Grabe ganito ba niya kamahal si Erika. Pero aaminin kong bumilib ako sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan siya kasi nagseselos siya o di kaya nasasaktan siya kasi hindi niya kayang gawin kay Erika kong ano man ang mga nakakaya kong gawin. Naawa ako sa kapatid ko. Para tuloy akong kontrabida sa love story nilang dalawa. Gusto ko si Erika pero hanggang dun lang yun wala akong balak liwagan siya kasi hindi ako ang gusto niya at hindi ako ang dapat para sa kanya. Gusto ko siya kasi siya si Erika. Bestfriend ang turingan namin. Namiss ko lang talaga si Erika kasi special siya sa'kin sa lahat ng babaeng nakilala ko. Yung pagkagusto ko sa kanya hindi naman lumalagpas sa dapat na limitasyon lang ng kung ano kami. Parang katulad lang dati kung ano kami.

Bumabawi lang ako sa mga panahon na wala ako. At hindi ako umuwi para maging kontrabida sa love story nilang dalawa ng kapatid ko. Pero hindi ko maipapangakong wala akong gagawin kong makita kong nasasaktan si Erika. Dahil kapag nakita ko siyang nasaktan dahil sa kapatid ko baka hindi ko mapigilan na lumagpas sa limitasyon ng pagkagusto ko kay Erika. Sana hindi mangyari yun kasi pareho lang silang magkakasakitan. Parang ngayon palang ay nasasaktan na si Raiven pero hindi yun ang gusto ko. Sabihin na nating tinutulongan ko lang siyang alisin ang takot niya at matutong harapin ang kung ano man ang kinakatakot niya at para maging masaya na siya. Kahit hindi kami magkasundo ni Raiven. Hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala bilang kuya niya may karapatan pa rin akong makialam sa buhay niya lalo na't siya lang mag-isa dito at ngayon ako lang ang tangging pamilya niya dito. Obligasyon kung bantayan siya gaya ng habilin nila Mom bago ako umuwi dito.

Kahit hindi ko man sinasabi sa kanya pero sa loob ko mahal ko yung kapatid ko. Nag-iba lang talaga ang trato niya sa'kin simula ng sabihin ko noon na may gusto ako kay Erika. Pero hindi tulad ng pagkagusto niya kay Erika ang nararamdaman ko. Siguro infatuation ganun lang. Hindi ko rin naman hinayaan ang sarili kong mahulog kay Erika kasi umpisa palang wala akong laban kasi kapatid ko talaga ang gusto niya. Masaya ako na makita ko lang silang dalawa na masaya. Pero totoo noong hindi pa ako nakauwi ay excited akong makita silang dalawa akala ko nga ay sila na. Kaya inalam ko mismo kay Erika yun noong araw na nagkita kami pagkauwi ko dito. Pero friend lang talaga sila. Aaminin kong may naramdaman akong saya pero may lungkot din ng marinig ko ng sabihin ni Erika yun. Nalungkot ako kasi nakita kong malungkot si Erika ng araw na yun kahit ngumiti siya sa harap ko. Pero hindi maikakaila ng mga mata niya ang lungkot kahit masayang nakangiti ang nakita ko sa labi niya.

Sana matulungan ko sila at aminin na sana nila na mahal nila ang isa't-isa.





-- vomment please! Hehe
Godbless --

<3 Yhaniie

Ace of HeartsWhere stories live. Discover now