Chapter 14 ❤

98 8 0
                                    

Warning : SPG / MATURED SCENE and Effects. LELS!

Cheska's POV

Pagdating ko sa bahay. Tumambad sa'kin ang nakakunot-noong mukha ni Hanz. Problema ng isang 'to?

"Hi.."

Binati ko siya pero nanatili pa rin siyang nakatitig sa'kin. Kulang nalang ay tunawin niya ako sa mga titig niya.

"Ah, sorry nga pala hindi na ako nakapagpaalam. Niyaya kasi ako ng mga friends ko na lumabas. Minsan lang din kasi kami magkita kaya ayun sumama ako." Aligaga kong sabi saka nag-iwas ng tingin.

Agad naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Feeling ko hihimatayin ako. Eh kasi naman hindi ako sanay na ganun si Hanz. Iyong tingin niya alam na alam ko ano ibig-sabihin nun.

"Ano ang pakiramdam ng may boyfriend? Siguro masaya ka na." Nilingon ko siya ng marinig ko ang sinabi niya.

"Anong boyfriend sinasabi mo diyan?"

"Hindi mo na kailangan magkaila pa. Hindi naman ako tanga at lalong hindi ako bulag."

Ano ba kasi pinagsasabi niya?

"Ewan ko sa'yo. Hindi kita maintindihan." Pag-iwas ko. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya nakakatunaw.

"Magaling ba siyang humalik, Sweet pa siya? Hah? Ano Ches sabihin mo sa'kin." Pasigaw niyang sabi na kinagulat ko.

"Ano bang problema mo hah? Ba't bigla kang nagkaganiyan. Hindi kita maintindihan."

Sa halip sa sumagot ay bigla siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko.

"Mababaliw na ako Ches, hindi ko na kaya ang pagbabaliwala mo sa'kin. Oo alam ko nasaktan kita noon. Pero Mahal kita. Mahal kita sobra." Saka siya huminto sa paghalik

Kulang yata ang salitang bingi para marinig ko lahat ng katotohanang lumalabas sa bibig niya. Para akong aatakihin sa mga nakinig ko. Totoo ba iyon? Mahal niya ako? Mahal niya talaga ako?

Bago pa ako sumagot ay muli niya akong hinalikan. Masyadong mapusok ang halik niya hindi ko kayang tanggihan. Siguro dahil pareho kami ng nararamdaman. Hindi ko na din kayang itago pa ang mararamdaman ko kahit alam ko sa sarili na matagal ko na siyang gusto. Hindi lang gusto kundi mahal ko na din siya.

Gumapang ang kamay niya sa likod ko para mas lalong maglapit ang katawan namin. Pinagpapawisan ako kahit hindi naman mainit. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa'kin. Tumugon naman ako.

Ang halik niya gumapang sa leeg ko. Pakiramdam ko kinukuryente ako. Nagwawala ang buong sistema ko sa ginagawa niya. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Gusto kong magprotesta pero hindi ko kaya. Hindi ko makontrol ang sarili ko na sumang-ayon sa ginagawa niya.

Unti-unti niyang tinatanggal ang botones sa damit ko. Sakto lang para makita niya ang dibdib ko. Bumababa ang halik niya papunta sa dibdib ko. Hindi ko mapigilang mapaungol sa ginagawa niya. Nakikiliti ako na ewan.

"Hanz" tangging naisambit ko.

"Akin ka lang Ches. Please sabihin mo akin ka lang. Mababaliw ako." Baliw ka na nga dahil sa ginagawa mo. SHIT!

"Hanz.." Sabay ungol nang mahubad niya ng tuluyan ang damit ko.

Saka siya napahinto nang may nahulog sa kusina.

"Shit! Anong ginawa ko? Ches sorry." Napatampal naman siya sa noo niya ng matauhan siya sa ginawa niya.

At ako? Nakatulala lang. Hindi ko malaman ano ang una kong gagawin o sasabihin sa kaniya.

Ace of HeartsWhere stories live. Discover now