Cheska's POVNandito ako sa office ni Clyde. Para bisitahin siya at econgrats ng personal di na kasi kami nagkikita subrang busy niya. Di ko na din siya naabutan pag umuuwi siya sa mansion.
"Good Morning Ma'am Cheska." Bati ng malanding secretary ni Clyde as if naman na magugustuhan siya ni Clyde babe.
"Nandyan ba si Clyde?"
"Nasa meeting pa po Ma'am." Pabebe talaga babaeng 'to nakakairita kausap.
"Okay! Hintayin ko nalang siya sa office niya.."
"Ma'am cheska hindi po pwede.." hindi ko pinakinggan ang secretary niya at nagderetso pa din ako sa office ni Clyde.
"Ma'am..."
Pagbukas ko ng pinto..
Napanganga ako sa nakita ko.
"What's the meaning of this?"
"What are you doing here Cheska?"
"Ano 'to Clyde? What is she doing here?"
"None of your business Cheska."
"None of my business? Huh? Ano ba 'tong kalokahan mo Clyde hindi ko akalain magagawa mo 'to?"
"Umuwi kana."
"Nagpunta pa naman ako dito para econgrats ka tapos ito lang maabutan ko."
"Saka na tayo mag-usap pag naka-uwi na ako."
Hindi ko na siya sinagot pa at tumalikod na ako.
Hindi ko akalain na ganun ang maabutan ko. Of all people bakit si Hazel pa?
Ang malanding haliparot na 'yun. Hindi ba talaga ako updated sa nangyayari kay Clyde para hindi ko malaman kung ano yung nakita ko.
Hindi ko na talaga alam ano ang iisipin ko. Kung siya pa ba ang Clyde na nakilala ko. Sa nakita ko kanina ibang-iba siya sa Clyde na nakilala ko. Alam ko umiral na naman pagiging casanova niya just like his friends.
Pero bakit si Hazel pa? Anong nakita niya sa bruhang 'yun
Argghhh nakakainis talaga.
Umuwi ako sa mansion dahil nawalan na ako ng gana dahil sa nakita ko. Para akong mauubusan ng dugo lahat yata ang dugo ko umakyat sa ulo ko sa subrang inis ko.
Hindi manlang inisip ni Clyde ang mararamdaman ko. Ano akala niya sa'kin bato para masaktan.
Pagdating ko sa mansion sinalubong ako ni Hans.
"OH! Ches saan ka galing?" Tanong niya
"None of your business tabi nga." inis kong sabi sabay tulak sa kanya.
Hindi ko sinasadyang itulak siya nadala lang ako sa inis ko.
"Ano ba'ng problema mo? Tinatanong kita ng maayos nanunulak ka bigla dyan." Inis din niyang tanong
"Tanong mo sa magaling mong kapatid." Sabi ko at dali-dali akong umakyat sa kwarto ko.
Raven's POV
"Marie kung may maghanap sa'kin sabihin mo nasa meeting pa ako."
"Okay Sir." Sagot ng secretary ko
Pagpasok ko sa office nakita ko si Hazel. Schoolmate namin siya noong college. May inaalok siya sa'kin isang project para sa darating na launching ng album ng Dreamers.
"Hi Mr.Myer sorry kung bigla akong pumasok may appointment naman ako sayo kaya pinapasok na ako secretary mo." Sabi niya na may halong pang-aakit.
"Let's start our meeting marami pa akong appointments today." Seryoso kong sabi
Hindi paman ako ulit nagsalita ay bigla nalang umupo sa lap ko si Hazel.
Hinimas-himas niya ang mukha ko. "Ang seryoso mo sa work mo Mr.Myer why don't have to take a break or relax you look so hagard." Sabi niya
Habang inaakit ako ni Hazel biglang bumukas ang pinto.. at nakita ko si Cheska.
"What's the meaning of this?" Tanong niya
Anong ginagawa niya dito.
"What are you doing here Cheska?"
"Ano 'to Clyde? What is she doing here?" Galit niyang tanong
Heto na naman kami. Alam ko ayaw niya kay Hazel dahil malandi at dikit ng dikit sa'kin.
Cheska is my bestfriend. Special siya para sa'kin. Kaya iniiwasan ko ang ganitong sitwasyon. Hindi niya sinabi na pupunta siya. Hayst!
"None of your business Cheska." Sagot ko
"None of my business? Huh? Ano ba 'tong kalokahan mo Clyde hindi ko akalain magagawa mo 'to?"
Sorry Cheska! Business lang 'to.
"Umuwi kana."
"Nagpunta pa naman ako dito para econgrats ka tapos ito lang maabutan ko."
Nag-effort siya na pumunta dito para econgrats ako. Nakalimutan kong hindi na pala kami nag-uusap dahil subrang busy ko sa paghahanda at ibang trabaho dito sa office.
"Saka na tayo mag-usap pag naka-uwi na ako." Tanging sabi ko
Hindi na siya sumagot pa at tumalikod na palabas ng office ko. Napabuntong hininga nalang ako alam ko galit siya. Saka ko nalang siya kakausapin pag-uwi ko.
"Oh! Sorry Mr.Myer hanggang ngayon pa rin pala ay ayaw niya sa'kin. Girlfriend mo ba 'yon?" Tanong ni Hazel
"No, but She's more than like my girlfriend. She's special to me."
"I see, She's so lucky to have you."
-
Natapos ang meeting namin ni Hazel ng maayos. Tuloy ang project ng talents niya at ng Dreamers.
Gabi na ng makauwi ako pasado alas dyes na ng gabi. Pagpasok ko palang ay sinalubong ako ng isang malakas na suntok ng kapatid ko.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko
"Diba dapat ikaw ang tanungij ko anong problema mo? Anong ginawa mo kay Cheska?"
So ayun pala ang kinagalit niya. tch!
"Wala naman akong ginawa sa kanya."
"I know you too well Raiven kaya wag mo akong ginagago dyan sa mga sagot mo sa'kin."
"Sino mas gago sating dalawa? Ako? O baka gusto mong ipaalala ko sa'yo lahat para matauhan ka?"
"Wag mong isisi sa'kin kung bakit iniwan ka niya."
"Hindi kita sinisisi. Dahil simula ng bumalik ka nawala na siya sa'kin."
"Tapos ano ngayon? Gumaganti ka? Si Cheska ginagamit mo?"
"Gumaganti? Ginagamit? Huh! Hindi ko ugali yan KUYA. Hindi ko ugali ang ugali mo. Akala ko ba magaling ka sa babae bakit hindi mo masabi kay Cheska ang totoo?"
"Wala kana d'on."
"Edi wala. Akyat na ako pupuntahan ko si Cheska."
"Pag sinaktan mo ulit siya. Hindi lang yan ang aabutin mo. Kung hindi ko siya kayang mahalin hayaan mo nalang na ako ang gumawa nun sa kanya."
"Sana naisip mo yan noon hindi sana niya ako iniwan."
"Minahal ko siya. Pero hindi ako ang mahal niya matagal na siyang naging sa'yo hindi mo lang napapansin."
Hindi ko na siya sinagot, umakyat na ako sa taas para kausapin si Cheska.
Tulog na si Cheska pag'pasok ko sa kwarto niya.
Sorry Ches. Ayoko lang maulit ang dati ayoko gawin ng kapatid ko sa'yo ang ginawa ko kay Erika. Hinintay ko lang na sabihin niya sa'yo ang totoo. Gusto ko maging masaya ka ayoko lang pangunahan siya. Alam ko ano tayo sa isa't-isa ayoko din dumating ang panahon na mahulog ulit ako dahil alam ko may masasaktan. Lahat tayo masasaktan ,hindi ko hahayaan mangyari ulit ang pagkakamali ko dati sa kanya. SANA lang hindi na mangyari ulit 'yon.
A/N: unedited chapter ! ✌
![](https://img.wattpad.com/cover/53272326-288-k819777.jpg)