A/N : sa dami kong iniisip hindi ko na alam pa'no patatakbuhin ang buong story. Dami ko kasing bagong story na naiisip. Pero dahil nga magulo talaga ako mag-isip ito na dudugtungan ko na ang story ng dalawang INDENIAL.( unedited: typos , grammars , etc. )
-------
Raiven's POV
Matapos ng araw na nakita kong umiyak si Erika parang piniga ang puso ko. Ayokong makita siyang ganun. Pero yun lang ang nakikita kong paraan sa ngayon. Ayoko rin saktan ang sarili ko. Alam ko naman na hindi talaga ako ang mahal niya kundi ang kapatid ko. Kaibigan lang talaga ako para sa kanya. Nasasaktan siya?Bakit hindi pa ba sapat ang lagi niya akong tinataboy kapag pinipilit ko ang sarili ko sa kanya.
Siguro nga kailangan sarili ko muna isipin ko. Itutuon ko ang sarili ko sa pag-aaral ko. Ayoko ng magmukmuk at isipin nalang ang sakit. Gusto ko maging masaya ulit.
Tinawagan ko ang Empire niyaya ko silang mag-bar. Noong una ayaw nila maniwala niloloko ko lang daw sila. Ano raw nakain ko. Sabi ko pumunta nalang sila dahil ngayon lang ako nagyaya.
Nandito ako sa bar nila Brent. Sa pamilya niya ito at siya muna ang nagmamanage kasi nasa abroad ang parents niya.
"Yow brad." Tapik ni Brent sa'kin.
"Oh! Buti nandito ka kala ko kasama mo sila."
"Nauna na ako dito. May chineck kasi akong stock ng wine. Nga pala ba't bigla naman ang pagyaya mo mag-inum.?" Tanong niya
"Namiss ko lang kayo brad. Ayoko kasi isipin niyo na lumalayo na ako sa inyo."
"Parang ganun na rin yun brad. Ang ilap mo kasi lagi ka na lang busy."
"Pasensya na. Ito na nga oh! Bumabawi na ako.Saan na ba sila?"
"Paparating na din yun."
Nagkwentuhan lang kami ni Brent habang naghihintay sa mga iba pa naming kaibigan. Maya maya pa ay dumating na sila.
"Yun oh! Buti at naalala mo pa kami Raiven. Grabe ang kabusyhan mo sa pag-aaral eh!." Pang-aasar ni Raijin.
"Ganun talaga brad. Kanya-kanyang trip lang yan."
Tawa dito tawa doon. Masaya ako na kasama ko sila ngayon sandaling nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Sana ganito lagi para hindi ko na isipin pa si Erika.
Tumunog ang phone ko tiningnan ko kung sino tumawag. Nakita kong si Cheska lang pala. Hindi ko na sinagot mangungulit lang naman yun panigurado.
Pero dahil sa ingay ay napansin rin ito ng mga kasama ko.
"Brad sagutin mo na kaya yan kanina pa yan nariring. Baka importante yan." Si Axel
"Ge brad excuse muna." Paalam ko saka ako lumabas.
"Oh! Napatawag ka ches?"
[ Clyde were are you? Natatakot ako dito wala si Hanz. I think may ibang tao dito sa loob. ]
" Calm down. Pumunta ka sa kwarto wag kang aalis dyan pupuntahan kita."
[ Please! Bilisan mo natatakot ako Clyde.]
"Sige na! Wag kang lalabas ng kwarto uuwi na ako." Matapos kong sabihin yun ay bumalik muna ako sa loob nagpaalam ako sa kanila. Sinabi kong babalik ako. Echecheck ko lang si Cheska.
Buti at naiintindihan nila. Saktong paglabas ko nakasalubong ko ang taong iniiwasan ko ng ilang araw. Hindi ko na siya pinansin pa dahil si Cheska inaalala ko. Nagmadali akong sumakay sa kotse. Sana okay lang si Cheska dun.