Chapter 18 ❤

112 1 1
                                    

1 year later ..

Quebec City, Canada.

CHESKA'S POV

ISANG taon na rin, isang taon ko ng pilit kinakalimutan ang nararamdam ko pero kahit anong pilit ko nandito pa rin. Hindi pa rin siya mawala sa puso ko. Umalis ako para mag-isip, para subukan na alisin siya sa sistema ko.

Akala ko pagdating ko dito sa Canada magiging maayos ang lahat pero mas lalo lang yata gumulo. Anim na buwan mula ng pumunta ako dito hindi naging madali bukod sa hindi ko kabisado ang lugar pinipilit pa rin ni Mommy ang gusto niya. Sumunod siya sa akin dito nang malaman niyang pinuntahan ko sa Daddy.

Kasama niyang dumating dito sa Canada si Mico. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makumbinsi si Daddy na kausapin niya si Mommy na huwag ituloy ang engagement namin ni Mico.

Sa unang linggo niya dito na kasama ako hindi ko siya kinakausap hindi dahil sa ayaw ko kundi ayoko isipin niya na pumapayag ako sa gusto ni Mommy para sa aming dalawa. Hindi ko mapipilit ang sarili ko na mahalin siya dahil hanggang kaibigan at kinakapatid lang ang turing at kaya kong ibigay sa kaniya.

Ang sabi naman niya sa'kin ay magpanggap nalang muna kami at pagbigyan muna si Mommy sa gusto nito. Siya daw mismo ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang engagement namin. Tatlong buwan nalang, magaganap na ang araw na para sa'kin ay parusa. Balak ko sana ay tumakas at bumalik sa Pilipinas pero nabigo ako hinarang ako ng mga body guards ni Mommy. Kahit si Mico ay bantay sarado. Makakalabas lang kaming dalawa kapag may kasamang bantay. Hangga't hindi pa kami kasal ni Mico ay pinagbawalan nila kaming lumabas ng bansa kahit saang bansa ay hindi kami pinayagang pumunta.

Iniisip ko tuloy kung anak nga ba ako ni Mommy? Bakit gan'on nalang kadali sa kaniyang saktan ako ng ganito. Hindi ba niya naisip na hindi na ako ang dating Cheska na lahat ng sasabihin niya ay kailangan sundin ko. Malaki na ako at kaya ko ng mag-desisyon para sa sarili ko pero wala pa rin siyang tiwala sa'kin. Kaya ko naman patakbuhin ang kompanya pagdating ng araw. Hindi naman ako nagpabaya sa pag-aaral ko. Pero parang lahat ng paghihirap ko nabaliwala. Lahat ng utos niya sinunod ko naman, bakit ganito ang kapalit ng pagiging masunurin kong anak sa kaniya.

Erika's POV

Ilang beses ko na siyang pilit pinatay sa puso ko. Tuwing naiisip ko ang mga panahong kasama ko siya noong umuwi ako.

Dalawang buwan lang iyon pero sa loob ng mga panahong iyon lahat ng nararamdam ko para sa kaniya bumalik. Tuwing naririnig ko ang boses niya. Tuwing naalala ko mga ngiti niya. Tinatanong ko pa rin ang sarili ko paano ko siya minahal. Paano ako nahulog sa kaniya. Wala namang espesyal sa kaniya. Naalala ko noon lagi niya akong inaasar.

Noong panahon na akala ko hanggang pangarap nalang na magustuhan at mahalin niya din ako.

Nagulat ako bigla ng tumunog ang phone ko.

Speaking of Mr. Brokenhearted boy. Talaga namang hindi pumapalya 'to. Laging tumatawag.

"How may I help you Mr.Brokenhearted?" sabi ko sabay tawa.

[ Nasa work ka ba? ]

"Nasa studio ako ngayon for recording. Why?"

[ I'll pick you up at seven. No buts Erika I badly need you. ]

Lakas magpa-kilig no? Sana nga siya nalang nagustuhan ko noon. Pero biro lang, Wala naman akong magagawa kung tanggihan ko siya.

"Ano pa nga ba? Wala naman akong choice lagi kasi inuunahan mo agad ako. Paano pa ako magre-reklamo."

[ Tss, porque sikat kana gina-ganiyan mo na bestfriend mo ]

"Stop me Cliff, hindi uubra sa'kin iyan. Anyway sa office mo nalang ako sunduin dederetso ako doon pagkatapos ko dito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ace of HeartsWhere stories live. Discover now