A/N : Sa mga previous chaps nito hindi ko po yun na edit. Kaya pasensya kong may mga names na hindi capitalize. Wrong grammars and typos.
Raiven's POV
Alam niyo yung ang saya na ng araw mo tapos bigla nalang may makikita kang hindi mo inaasahan.
Malayo pa lang tanaw ko na ang kapatid ko kasama si Erika. And guess what ngayon ko lang nakita si Erika na ganyan kasaya at ganyan tumawa. Nakakainis!
"Hahahaha tama na nga Cliff ang sakit na ng tyan ko.Ang korny ng mga jokes mo"
"Eh bakit natatawa ka kung korny naman pala."
Narinig kong usapan nila habang papalapit sa pwesto ko.
"Hi bro!" Bati ni kuya sa'kin
Bweset ! Bakit ba umuwi pa ang isang 'to! Natatakot na tuloy ako sa pwedeng mangyari. Tanda ko pa sinabi niya noon na pagbibigyan niya ako aalis siya para makuha ko si Erika. Pero hanggang ngayon ay hindi pa naging kami ni Erika kaya natatakot akong sa possible niyang gawin. Kasi dati pa siyang may gusto kay Erika at kaya niyang makuha lahat ng gusto niya. Walang inaatrasang laban si kuya.
Aagawin niya si Erika sa'kin kapag hindi naging kami yun ang sabi niya dati. Ngayon bumalik na siya. Hindi ko alam anong dapat gawin.
"Bro? Are you okay?"
Nawala ako bigla ako sa pag-iisip ko. At pareho silang nakatingin sa'kin na parang nagtataka
"Hah? Ano nga ulit yun?"tanong ko
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Erika
"O-Oo naman"
"Lutang ka na naman bro!"
"May iniisip lang ako! Sige una na ako sainyo. Kita nalang tayo mamaya." Paalam ko sa kanila.
Erika's POV
"Anong nangyari dun sa kapatid mo?" Tanong ko kay Cliff
"Aba malay ko dun. Baka nakabuntis kaya namublema." Sagot niya
O.O
Ano daw nakabuntis? Huhu wag naman sana!
"P-Pano mo naman nasabi?"
"Bakit parang kinakabahan ka? Haha joke lang yun noh? Relax ka lang!" Tawang sabi niya
Loko talaga 'to! Kinabahan ako dun ah!
"H-Hindi ah! Ang feeling mo talaga."
"Ang cute mo talaga Rikz."
"Baliw! Pang aso lang ang cute noh? Ano kala mo sa'kin aso."
"Porket cute aso agad! Hindi ba pwedeng cute kasi ikaw si Erika."
Pakiramdam ko namula bigla ang pisngi ko dun sa sinabi niya.
"Pwede ba Cliff wag mo ako daanin dyan sa mga bola mo. Hindi yan tatalab sa'kin." Sabi ko.
"Pa'no kong si Raiven magsabi nun sayo. For sure hindi ka lang mamumula. Baka manakbo ka nalang sa subrang kilig haha.!" Pang-aasar niya sa'kin
"Tse ewan ko sa'yo! Una na nga ako baka malate pa ako lagot ako kay Xander." Pagdadahilan ko saka umalis
Hm bakit nga kaya ganun inasta ni Raiven hindi naman siya ganun. Nakakapanibago lang.
--
Pagdating ko sa room. Kompleto na ang tropa pero kanya-kanya rin ang ginagawa. Si Calex , Brent , at Kien natutulog. Si Xander nagsosoundtrip kasama si Rhian. Si Raijen nagtetext , Si Axel nagbabasa ng libro. At si Raiven tulala? Ano kaya problema nito. Malapitan nga.!