--
Cliff's POV
Nakakatuwang isipin na ilang araw na kaming laging nagkakasama ni Erika. Hindi ko manlang siya nakitaan ng pag-aalala kahit hindi siya masyadong pinapansin ng kapatid ko. Hindi ko alam kong ano ang totoo niyang nararamdaman. Wala kasi akong makitang lungkot sa mata niya. Hindi gaya no'ong nakaraang linggo. Na daig pa niya ang namatayan sa subrang lungkod ng mga mata niya. Ngayon parang okay na siya nakakangiti na siya at tumatawa na. Masaya akong makita siyang nakangiti kaysa makita siyang malungkot.
Kasalukuyan kaming nandito sa mall ni Erika. Hindi ko akalain na siya ang magyayaya sa'kin. Ano kaya nakain nito. Gayunpaman ay masaya ako.
"Cliff samahan mo naman ako gusto kong bumili ng dress.." Aniya
"Sige , Kahit saan mo gusto walang problema. Sus ikaw pa ang lakas mo sa'kin." Nakangiting sabi ko.
"Psh! Wag kang ganyan baka masanay ako."
"Bakit hindi ka pa ba sanay lagi na nga tayong magkasama.!?" Tanong ko
"Oo nga kaya lang baka bigla ka na naman umalis tapos gaya dati nasanay akong may taong laging nandyan para sa'kin tapos bigla nalang mawawala." Makahulugan niyang sabi. Alam kong hindi ako ang tinutukoy niya.
"Tss halika na nga kung ano na naman iniisip mo." Pag-iba ko sa usapan. Dahil malulungkot na naman siya.
Nang matapos niyang bilhin ang kailangan niya ay napagpasyahan namin na umuwi na pagod na kasi raw siya. Kaya hinatid ko na siya sa kanila.
Pagdating ko sa bahay may narinig akong nagtatawanan. Pagpasok ko laging gulat ko ng makita ko si Raiven at si Cheska. Masayang-masaya silang nag-uusap hindi nila namalayan na dumating na ako.
"Ehem.." sabi ko saka sila sabay na lumingon sa pinto kung saan ako nakatayo.
Raiven's POV
"Ehem.." sabay kaming napalingon ni Cheska sa may pinto. Nandun nakatayo si Cliff.
Alam kong nagtataka siya kong bakit nandito si Cheska. Nagulat nga din ako ng bigla nalang siyang dumating dito. Galing states si Cheska. She's my childhood friend parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Every two years lang siya umuwi dito. Subrang sweet nitong babaeng ito halos pagkamalan na kaming magsyota. Grabe kasi kong makadikit pero hindi naman ako naiirita sanay na ako sa ugali niya maski si Cliff close din sa kanya sa katunayan ay may crush siya kay Cliff matagal na kaso manhid daw ang kapatid ko at hindi nararamdaman ang mga pinaparamdam niya dito.
"Oh! Nandyan kana pala." Sabi ko
"Hi handsome Hanz..?" Ngiting bati ni Cheska sa kanya.
"Oh! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito.?" Kunot-noong tanong ni Cliff
"You're so bad Hanz. Why don't you greet me in a nice way not in a sarcastic way." Paawang sabi ni Cheska
"Tch!"
"I miss you Hanz."
"Yeah I know!"
Mga baliw talaga. Ganyan silang dalawa magkumustahan. Parang hindi magkakilala. Umakyat saglit si Cliff para magbihis. Sinabi ko rin na dito muna magsstay si Cheska kasi hindi niya kasamang umuwi ang family niya dito. Ayaw din naman niyang magstay sa mansion nila kasi siya lang mag-isa. Syempre hindi ko rin hahayaan mag-isa lang siya kami lang naman ang malapit na kaibigan niya dito kapag umuuwi siya.
Maya maya pa ay bumaba na ulit si Cliff. Nandito kami sa sala nanood ng tv. Wala rin kasi kaming magawa hindi kami pwedeng gumala kasi may pasok pa bukas sa weekend nalang daw kami gagala.
