CHESKA's POVTotoo nga siguro ang sabi nila na kapag nagmahal ka handa kang masaktan at sumuko sa isang laban kung alam mong sa huli ay matatalo ka lang.
Pero napaka-daya ng tadhana para sa aming dalawa. Mahal ko siya, mahal niya ako pero hindi iyon sapat para lumaban ako.
Matagal ko ng alam na hindi kami pwede, matagal ko ng pinipigilan na huwag mahulog sa kaniya. Pero traydor ang puso ko kasi kahit anong pigil ko sa kaniya pa din tumitibok. At siya pa din ang gustong mahalin nito.
Hating gabi na hindi pa din ako dalawin ng antok. Nasa isang hotel muna ako nagpalipas ng gabi. Bukas ay babalik na akong Canada. Doon muna ako kay Daddy. Gusto ko muna bigyan ng oras at pagmamahal ang sarili ko. Hindi ko pa kayang humarap sa kaniya. Ayokong saktan lalo ang sarili ko kapag dumating ang punto na mahal na mahal ko na siya at saka pa ako bibitaw. Mas mabuti ng ganito habang maaga pa. Habang kaya ko pa.
Two years ako, hindi ko sinasadyang marinig si Mommy na may kausap sa phone. Balak niya akong ipakasal sa bestfriend kung si Mico. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pwede niyang ipakasal sa akin, bakit si Mico pa. Ayokong makasira ng relasyon. Balita ko kasi may girlfriend si Mico at mahal na mahal niya ito. Pero kilala ko din si Mommy. Wala siyang hindi gusto na hindi pwedeng masunod. Lalo na kung may kinalaman ito sa negosyo. Mayaman sila Mico mas mayaman pa sa amin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit gusto ni Mommy na ipakasal ako sa kaniya.
Wala din naman magagawa si Daddy mas malaki ang share ni Mommy sa company kaysa kay Daddy. Si Mommy halos ang nagpapalakad ng company namin. Kaya kahit anong desisyon ni Mommy walang magagawa si Dad. Ayaw niyang mag-away sila. Mahal na mahal ni Dad si Mommy kaya kahit labag sa loob niya ang desisyon na ipakasal ako kay Mico ay wala na din siyang magagawa.
Ayokong magalit kay Mommy dahil sa pangingialam niya sa buhay ko. Pero anak lang ako at siya ang nanay ko.
Kung may paraan lang sana may magagawa ako. Ayoko din masira ang pagkakaibigan namin ni Mico. Dahil lang sa kagustuhan ng mga magulang namin. Hindi ko pa siya nakakausap mula ng malaman ko iyon. Wala na din akong balita pa kay Mico. Natatakot akong kausapin siya at sabihin sa kaniya ang nalaman ko.
PRINCESS's POV
"Boss, hindi ko naman inagaw sa kaniya ang kanta niya. Nagkataon lang na late siyang dumating sa event. Kaya nagpresenta ako na ako nalang ang kakanta ng kanta niya. Pumayag naman si Mr.Myer." paliwanag ko kay Mr.Perez habang kausap ko siya sa phone.
Paniguradong sinumbong na ako ng Erika na iyon kaya siguro tumawag si Boss sa'kin ngayon.
"Alam mong bawal iyan Ms.Sanchez. may kontrata kayong pinermahan. Dahil sa ginawa mo pwedeng ikasira niyong dalawa ni Ms. Harris iyon. Kilala ko si Ms.Harris. at kilala mo din ako. Alam mo kung ano ang nararapat na parusa sa ginawa mo."
Hindi ko mapigilang mainis dahil bida na naman si Erika kay Boss at ako na naman ang masama. Kahit kailan pabida talaga siya.
Hindi ko naman kasalanan na late siya. Alam naman niyang may event at alam niyang kakanta siya tapos nagpalate pa.
Dapat pa nga magpasalamat siya sa'kin kasi ako ang sumagip sa kaniya sa kahihiyan. Madaming bisita sa event kahit ang ibang investor, directors, producers ay nand'on sa mismong event. Alam ko naman na kanta niya iyon. Alam ko din na para kay Raiven ang kantang iyon.
Oo aaminin ko na naiinggit ako kasi marami na siyang nagawang kanta at siya mismo ang kumanta n'on. Sumikat pa sa mga tv at radio. Kinakanta ng ibang sikat na singer sa ibang bansa. Pero hindi ko ginawa iyon pagkanta ko sa event ng kanta niya para mainis siya. Kahit bruha ang babaeng iyon professional pa din naman akong magtrabaho. Pero sa huli ako pa din ang lumalabas na masama sa paningin ng lahat.