Raiven's POVIlang araw na akong walang gana, walang ganang kumain, magtrabaho. Simula noong araw na nag-usap kami ni Erika. Nang sabihin niyang hindi na gaya ng dati ang nararamdaman niya sa'kin.
Iyong sakit na naramdaman ko n'ong iniwan niya ako mas dumoble ang sakit ngayon. Iyong natitirang pag-asa sa puso ko nawala bigla. Nakakabakla daw ang umiyak pero hindi ko mapigilan ang sakit talaga letseng pag-ibig 'to. Kailan ba ako sasaya.
"CLYYYDDDEEEE!" Kahit kailan talaga sakit sa tenga makasigaw ng isang 'to.
Hindi na ako lumingon, kada lingon ko kasi mukha ni Erika nakikita ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya kaya lahat ng nasa paligid ko ay pakiramdam nakikita ko siya. Gaya noong iniwan niya ako. Halos araw-araw akong namamalikmata na siya ang kaharap ko kahit hindi naman.
"Woi Clyde nagsesenti ka na naman. Ano problema? Baka makatulong ako." Sabi ni Cheska saka umupo sa tabi ko.
Supportive talaga siya sa'kin. Halos deadmahin na niya ang kapatid ko na dati naman ay siya itong habol ng habol. Pero ngayon ang kapatid ko na naman nagpaparamdam sa kaniya. Ewan ko ba ano status nila. Hindi naman kasi kami laging nagkikita, Halos sa office na ako natutulog sa sobrang busy ko.
Iniisip ko kung dapat ko ba sabihin sa kaniya na nandito na si Gwen. Hindi naman sa galit siya kay Gwen, pero ramdam ko na nainis siya sa nangyari noon.
Napabuntong hiningan ako saka nag-angat ng tingin sa kaniya.
"She's here, She's back."
Nakita ko ang pagkagulat niya, saka siya umayos ng upo nang hindi nakatingin sa'kin.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Ano ang plano mo ngayon?"
Nagsalita ulit siya bago paman ako nakasagot.
"I know you still love her."
"Hindi na niya ako mahal Ches. Nagbago na siya, hindi na siya ang dating Gwen na minahal ko. Nakita ko mismo iyon."
"Ano nga plano mo?"
"Lahat ng pwede kong gawin gagawin ko mahalin lang ulit niya ako."
"Alam mo naman kung saan ka masaya nakasupporta lang ako sa'yo pero utang na loob huwag mo hayaang masaktan ka ulit." Makahugot talaga ang isang 'to. Ganiyan kasi naramdaman niya no'ng binaliwala siya ng kapatid ko. Gago lang diba? Parang ako lang din.
Maaga akong nagising kinabukasan. Ngayon ang launching ng Love music ,feel the melody.
An event made by Music is Life production. It's a big event for music industry. All the newest and brightest music artist from the country will introduced their talent.
Pagkalabas ko pa lang sa elevator papunta sa office ko. Sinalubong agad ako ng secretary ko.
"Boss may gusto raw makipag-usap sa inyo. Galing po siya ng MILS US branch Company." Tumango lang ako saka dumiretso sa office ko.
Nagtataka ako kung bakit hindi ko alam na may pinadala pala ang US Company dito. Hindi nila ako inabisohan.
Pagpasok ko pa lang sa office ko hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Pinilit kong maging kalmado at huwag ipahalatang nagulat ako sa presensya niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na ulit siya, Nakikita ko , nakakasama. Pero hindi maalis sa'kin ang katotohanang hindi na niya ako mahal. Nararamdaman ko pa rin ang sakit, Hindi ko kayang pigilan na maramdaman iyon. Masyadong masakit ang idinulot nun sa puso ko.
"Yes Miss. Harris what can I do for you?" Agad kong tanong, Ayoko muna iparamdam sa kaniya na ako si Raiven na nagmamahal sa kaniya dahil nasa trabaho ako. Ibang usapan ang personal na issue sa trabaho ko.
"Here." Aniya sabay abot ng isang folder.
Hindi na ako nagtanong tiningnan at binasa ko nalang.
Nakalagay doon ang agreement between her and MILS US na magsstay siya dito for two months magkakaroon siya ng recording album lahat ng pwedeng ibigay namin sa kaniya na project ay pinahintulutan ng kompanya.
Kahit walang kontrata basta para sa kaniya lahat gagawin ko.
"So Mr.Myer, kailan ako pwedeng magsimula?" Tanong niya habang abala na nakatingin sa phone niya.
Sino ba kasi katext mo? nandito naman ako!
"Miss Harris nandito ka ba para makipag-usap sa'kin o makipagtext at aatupagin lang iyang phone mo!" Angil ko.
"I'm sorry, Nag-text kasi si Boss. Ano nga ulit iyong sinabi mo?"
Napabuntong hininga nalang ako.
"Wala pa akong sinasabi Miss. Myer."
Sabi ko saka naman siya nag-angat ng tingin at umupo ng maayos.
"I'll set another meeting. Sinasayang mo ang oras ko kung busy ka naman sa katext mo. At hindi rason para sa'kin kung sino man iyan." Sabi ko saka ako tumayo
Ayoko naman na ganunin siya, Sadyang naiinis ako na wala sa'kin ang atensyon niya kundi nasa iba.
Oo na nagseselos na ako. Mahal ko pa eh, ano ba magagawa ko. Hindi ko siya kayang alisin sa puso ko.
CLIFF'S POV
Ang aga aga nakakabadtrip. Eh paano ba naman kasi buong gabi akong hindi makatulog.
Si Cheska, nakita ko may kasamang ibang lalaki na hindi ko at namin kilala. Nakakabwesit lang. Tapos ngayon hindi pa siya umuuwi nag-iwan lang siya ng note na pupunta siya sa kaibigan niya.
Nakailang tawag at text na ako hindi niya sinasagot. Halos masira ko na ang phone ko kakapindot.
Napagdesisyonan ko nalang puntahan si Raiven. May event raw ngayon. Mabuti naman at maayos na buhay niya hindi katulad dati na parang walang direksyon ang buhay niya puro away lang inaatupag, hindi ko naman siya masisisi dahil gangster siya. Pero simula ng umalis si Erika nag-iba na ang lahat. Mas narealize niya ang halaga ng buhay niya. Iyon nga lang si Cheska ang maging dahilan ng iba doon. Nagseselos pa din ako dahil mas madalas niyang kasama at nakakausap si Cheska. Ang laki kong gago na hinyaan kong baliwalain siya noon.
Bakit ba kasi hindi ko man lang naramdaman ang ganito noon..
Saka ko pa nalaman na mahal ko siya ngayon ayaw na niya sa'kin. Ganito ba talaga kakomplekado kapag nagmahal ka. Pero kahit ganoon hindi ako susuko alam ko mahal pa ako ni Cheska nararamadaman ko iyon. Nasaktan at nabaliwala ko lang siya noo pero alam ko mahal niya pa ko.
• MILS •
Hanggang ngayon hindi ko pa din naisip na sa ganitong industriya ang tatahakin ng kapatid ko bukod sa wala sa itsura niya mas lalong hindi ko naisip na sa music industy siya babagsak. Gangster tapos magiging producer ang layo ng pagkakaiba. Sa kabilang banda masaya ako sa narating niya, mas nagkaroon ng direksyon ang buhay niya kumpara noon.
Agad akong binati ng mga tao pagkarating ko pa lang roon. Kilala nila ako hindi dahil kapatid ako ni Raiven, Minsan na din akong sumabak sa ganitong industriya iyon nga lang talagang hindi para sa'kin ang musika. Kaya pinili kong atupagin nalang ang negosyo ng pamilya namin.
Paakyat na ako sa office ni Raiven saktong pagbukas elevator ay saktong nagtama ang paningin namin. Sa sobrang gulat ko halos naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Habang siya ay diretso lang na nakatingin sa akin. Saka ngumiti at diretsong lumabas sa elevator.
Saka ko lang narealize ang nakita ko ng makaalis na ito. Sinubukan kong habulin pero wala na siya, nakaalis na ang sasakyan niya. Nakita ko pa siya nung sumakay siya.
Kung nandito siya, hindi impossibleng nagkita sila ng kapatid ko. Bakit hindi ko man lang nabalitaan na nandito na siya? Alam kaya ni Raiven?
Naguguluhan tuloy ako dahil sa nakita ko.
Kailangan kong makausap ang kapatid ko.