Chapter 11 ❤

146 7 0
                                    

Raiven's POV

Maaga akong nagising hindi rin naman ako nakatulog ng maayos. Sa bawat pagpikit ko ng mga mata ko siya ang nakikita ko. Parang binabangungut ako ng nakaraan.

Nag-ayos ako ng sarili ko bago bumaba. Naabutan ko si Cheska na kumakain wala pa si Cliff.

"Manang saan si Cliff?" Tanong ko kay manang saktong lumabas siya galing sa kusina

"Maaga po umalis sir."

Hindi na ulit ako nagtanong. Naramdam ako ng pagkailang dahil kami lang dalawa ni Cheska. Pero ayoko na magalit siya sa'kin.

"Ehem..Ches?"

Hindi siya sumagot tahimik lang siyang kumakain.

"I'm sorry for what happend yesterday. Walang namamagitan samin ni Hazel. Nabigla nga ako sa inasal niya. Hindi ko naman alam na darating ka din. At nasa ganoong sitwasyon mo kami naabutan."

Bigla siyang huminto sa pagkain at tumingin sa'kin.

"Kung hindi ako dumating ano? Papatulan mo ang malanding 'yun?" Giit niyang tanong

"Pure business lang ang namamagitan samin at wala akong balak patulan ang tulad niya. Alam mong hindi ako ganun Ches."

"Okay."

"Are you still mad at me?"

"No."

"Bakit ganyan ka? Ang lamig ng pakikitungo mo sa'kin. Tell me paano ako makakabawi sa'yo."

"Date."

"Sus yun lang pala eh!" Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ayan kana naman maglalambing ka na naman tapos uulitin mo na naman." Sabi niya. Napangiti tuloy ako dahil sa inaasal niya

Ganito kami daig pa namin mag-syota pero alam naman niya sino talaga ang mahal ko. At alam ko indenial lang silang dalawa ni Cliff sa mga nararamdaman nila sa isa't-isa.

Ayaw niya lang masaktan ako kaya ganyan siya sa'kin. She's not only a bestfriend for me. We treated each other as real siblings. Kaya ganun din ako sa kanya ayoko siyang masaktan alam ko masasabi din ni Cliff ang nararamdaman niya. Malapit na ,alam ko sa gagawin ko magagalit siya pero yun lang ang paraan para maamin na niya ang nararamdaman niya. Bata palang kami gusto na niya si Cheska kahit hindi niya sabihin sa'kin. Nahahalata ko sa bawat kilos niya kay Cheska noon. Oo masungit siya kay Cheska pero ang totoo gusto niya itong lambingin gaya ng ginagawa ko. Nakakatawang isipin na nagagawa niya kay Erika ang hindi ko nagagawa at nagagawa ko naman ang hindi niya kayang gawin kay Cheska.

Ang gulo ng sitwasyon namin pero alam ko sa huli sasaya din kami pareho. Siguro nga may tamang panahon para sa pag-ibig. May tamang panahon para sa lahat. 

"Earth to Clyde."

"Hah? Ano ulit 'yun Ches?"

"Wala nevermind. Kanina pa ako nagsasalita dito di ka na naman nakikinig ano ba kasi iniisip mo?"

Sa tono ng pagtatanong niya alam ko na ang ibig-sabihin.

"Wala. Magbihis ka aalis tayo."

"Teka wala ka bang pasok ngayon."

"Ipapacancel ko nalang ang mga 'yun. Gusto mo magdate tayo diba?"

"Talaga? Ngayon na agad."

"Oo bakit ayaw mo?"

"Syempre gusto ko. Sige wait lang magbibihis lang yehey thank you babe." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at nagmadaling umakyat.

Erika's POV

Ace of HeartsWhere stories live. Discover now