Erika's POV"Hi, good morning are you Ms.Erika Gwen?" Tanong ng isang babae pagkadating ko sa airport.
"Yes, I am."
"Hi ma'am welcome, I'm Wendy Cruz from MILS phils. Mr.Perez told me that I'll be the one to guide you. Don't worry ma'am I'll take in charge."
"Thank you." Sagot ko
Maya maya pa ay inutusan niya ang mga bodyguards na kasama niya na bitbitin ang mga gamit ko.
"Let' go ma'am ihahatid na po kita sa hotel."
"No need, Tinawagan ko na ang driver ko. Siya na bahala sa mga gamit ko.Kindly sent my schedule for tomorrow. You can now go home. May pupuntahan pa akong importante." Sabi ko.
"Are you sure ma'am. But Mr. Perez.."
"Don't worry ako na bahala magpaliwanag sa kanya."
Sabi ko at deretsong sumakay sa sasakyan.
Habang nasa byahe ako. Hindi ko maiwasang isipin kung kumusta na kaya sila. Ang kapatid ko, si Rhian, ang Empire. Miss ko na silang lahat. It's been two years since I left.
Marami ng nagbago sa lugar na'to.
Nang makarating ako sa school. Agad kong sinuot ang shades ko. May klase na ang mga studyante sa mga oras na'to konti lang ang mga nasa labas na nagtatambay.
Dahan-dahan akong pumasok.
Paniguradong nasa klase pa sila kuya ngayon gusto ko silang surpresahin kaya sa hideout ko sila hihintayin.
Pagpasok ko sa hideout. Mas lalo itong gumanda pinalitan ni Xander ang design halos lahat ng pictures namin ay naka-frame at nilagay niya sa dingding.
Maya maya pa ay may narinig akong ingay mula sa labas sila na siguro iyan. Agad akong umupo sa sofa na nakataliko sa pinto.
Xander's POV
Kakatapos lang ng klase namin. Hawak-hawak ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng room.
"Naks! Bibili na talaga ako ng insecticide. Araw-araw tayo nilalanggam eh!" Reklamo ni Calex.
Sinimaan ko siya ng tingin.
"Ah! Joke lang King." Sabi niya
"Ayan ikaw kasi inggitero ka maghanap ka kasi ng forever mo hindi iyong si King at Rhian ang inaano mo." Sabi naman ni Raijen.
"Tch! Magsilayas nga kayo mga walang kwenta pinag-uusapan niyo." Sabi ko." Aray!" Napayoko ako ng bigla akong binatukan ni Kylie.
"Ba't ka ba nambabatok?"
"Bakit? Aangal ka?"
"Aish! Bakit ba napakabayolente mo na."
"Eh kasi.." Di niya tinuloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang hinalikan.
"Shit! Ang bilis talaga ni King."-Raijen
Dahil hindi na siya nakapag-salita hinila ko na siya agad papuntang hideout.
"Mga ugok mag.order kayo ng pagkain bilis."
Inakbayan ko si Kylie papasok sa hideout.
Pagpasok namin ay nagkatinginan kami bigla ni Kylie dahil sa isang babae na nakatalikod na umupo sa sofa.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko. At bigla siyang tumawa na kinagulat ko.
Ang tawang iyon. Ang boses na matagal ko ng hindi naririnig.