Chapter 16 ❤

82 5 1
                                    

Erika's POV

Wala na yata talagang mas kakapal pa sa mukha ng babaeng iyon. Edi magsama sila pareho naman silang mga walang kwenta. Bakit ko nga ba pag-aaksyahan ang mga taong tulad nila. Tapos na ako sa pagiging tanga, pagod na akong masaktan pa. Sarili ko naman ngayon ang dapat kong isipin.

Kung noon ay hirap na hirap ako sa tuwing kaharap at kausap si Raiven. Iba na ngayon nagbabago ang panahon mas lalo na ang nararamdaman ng tao. Hindi ko masabing hindi na siya mahalaga sa'kin. Matagal ko din kinimkim sa puso ko ang pagmamahal ko sa kaniya na ako lang din ang nakakaramdam at nakakaalam. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng sinabi niya ng araw na iyon. Hindi na yata mawawala iyon kahit iwasan kong huwag isipin. Dahil iyon nalang ang nag-iisang dahilan bakit ako naging ganito. Bakit ako nasa setwasyong 'to.

Hindi ko pinilit ang sarili ko sa kaniya. Pero hindi sapat iyon para iparamdam niya sa'kin ang gan'ong klaseng sakit na hindi ko kailan man hinangad na maramdaman. Hindi sapat ang dahilan niya para hindi sabihin sa'kin ang totoo. Mas matatanggap ko pa na sabihin niya iyon mismo sa harap ko, kaso sa kapatid ko mismo niya sinabi at narinig ko lang.

"Miss Harris, Nasa kabilang linya po si Mr.Perez." Ani Wendy saka lumabas ng office.

Bumuntong hininga muna ako saka dinampot ang telephone sa table. Alam kong bubulyawan na naman niya ako. "Yes, Mr.Perez napatawag po kayo?"

"Alam mo ang sagot sa tanong mo Erika, Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema niyong dalawa ni Ms. Sanchez pero ang idamay niyo ang personal issues niyong pareho sa trabaho ibang usapan na iyon. This will be my first and last warning for the both of you. Kung hindi niyo kayang magtrabaho ng maayos ang mabuti pa ay bumalik na kayo dito. Dahil pareho kayong walang maiitutulong diyan kung paiiralin niyo ang galit sa isa't-isa."

Bumuntong hininga ulit ako. Kahit anong paliwanag ko ay baliwala din dahil siya pa din ang boss ko. At siya pa din ang nasusunod.

Tsk! Napaka-sipsip talaga ng babaeng iyon kahit kailan. Wala naman siyang mapapala, hindi naman siya epopromote sa pagsusumbong niya. Kung si Raiven ang gusto niya e 'di sa kaniya na. Wala akong pake sa kanilang dalawa. Mahalaga sa'kin.

"Ma'm remind lang po 3pm mamaya sa MILS para sa recording ng kanta niyo." Ani Wendy.

Tumango lang ako.

Iyon ang first recording song ko dito sa branch ng MILS sa pinas. May ilang recorded songs na din akong nagawa sa States before. Lahat iyon napasama sa Hits Song Chart. Madalas din aking imbetahan sa ibang Tv guesting pero ako mismo ang umayaw. Ayoko muna sa gan'on baka mawalan ako ng oras sa pag-aaral ko. Buti nalang tapos na ang exam sa school kaya pinayagan akong umuwi pagkatapos ng dalawang buwan na stay ko dito ay babalik na ako sa pag-aaral alam na din naman ni Mr.Perez ang schedule ko. Priority ko pa din naman ang pag-aaral ko. Sila Mr.Perez mismo nag-adjust ng schedule ko sa company. Isang taon nalang din naman at gagraduate na ako kaya pagtyatyagaan ko muna.

Cliff's POV

Gustong-gusto kong suntukin ang kapatid ko dahil sa nalaman ko.

Tarantado, kung noon nga pinagbigyan ko na siya nagparaya akong iwan si Erika para sa kaniya. Noong bumalik ako akala ko okay na insistshat pero mas lalo lang gumulo. At ngayon nakabalik na si Erika alam kong okay na siya pero hindi ko maintindihan anong utak meron ang kapatid ko para ipahiya niya si Erika ng gan'on.

Mas kilala niya si Erika kaysa sa'kin ang babaw naman siguro ng dahilan niya kung ang nakaraan pa din nila ang iniisip niya. Oo nga't alam ko na mahal pa niya si Erika at hindi ko alam kung ganun din ba si Erika sa kaniya. Pero hindi sapat iyon para gawin niya ang ganung bagay. Pwede naman kasi niyang ipa-cancel nalang iyong kanta kasi late ang kakanta hindi rason iyon para ipakanta niya sa iba ang kanta ni Erika na siya mismo ang gumawa. Maski ako ay magagalit 'pag ginawa ang ganun sa'kin. Nakakainsulto sa pagkatao ko iyon. Manhid yata talaga ang kapatid ko para magawa niya iyon.

Ace of HeartsWhere stories live. Discover now