Erika's POV
Nandito ako ngayon sa mall buti pumayag si Xander. Ang oa kasi ayaw pa pumayag eh sa mall lang naman ako.
Ang bored kaya sa mansion daig ko pa ang loner kahit hindi naman. Hay! Kala ko masarap maging mayaman hindi pala. Kasi mayaman ka nga ang lungkot naman ng buhay mo. Parehong busy ang mga magulang namin ni kuya. Kapag may okasyon lang kami nagkakasama na kompleto.
Mas mahalaga pa ang negosyo kesa sa mga anak nila. Buti pa yung iba kahit kahit salat sa buhay kompleto at masaya ang pamilya nila.
Kung magkakaroon ako ng sarili kong pamilya balang araw. Hindi ko ipaparanas sa kanila kung ano ang nararanasan ko ngayon may magulang nga pero parang wala.
Okay! Drama ko na ba?
Pumunta ako sa isang boutique. Bibili ako ng bagong damit. Sayang hindi ko kasama si Rhian magaling kasi yun sa mga ganito eh! Hindi ako masyadong magaling sa pamimili ng damit. Kasi hindi naman ako maarte katulad ng ibang mayayaman.
Sa subrang kaartehan ay nagmumukha na silang ewan. Pasosyal lang ang alam. Kala mo naman ikinaganda na nila ang pagka-sosyal nila. Sus! Mas maganda pa ako sa kanila simply lang. Ika nga nila simplicity is beauty.lol
Wow ang ganda nitong isang ito. Bet ko white ang kulay na hangang tuhod lang , bibilhin ko na'to.
Kukuha na sana ako ng pera ng biglang may kumuha ng damit na napili ko.
Bakit nandito ang isang 'to. Tss nakita kong hawak niya ang dress na napili ko.
"Excuse me. Ako naunang makakita ng dress na yan actually kukunin ko na nga yan babayaran ko na so pwede akin na" taray kong sabi tsk ayaw ko sa babaeng 'to kala mo kung sinong mabait.
"May pangalan mo ba para maging sayo?wala naman diba kaya akin na'to Wala ka ng magagawa kasi hawak ko na" nakangisi niyang sabi
Aba't pigilan niyo ko baka masapak ko ang babaeng ito.
"Bingi ka ba o tanga? Hindi mo ba narinig sabi ko na ako nauna sa damit na yan tsaka hello hindi yan bagay sa'yo. Magmumukha kang madre pag sinuot mo ang dress na yan" sabi ko. Kala mo ikaw lang marunong hah.
Mukha niya parang naiinis na. Haha sige subukan natin yang tapang mo ngayon.
"Oh talaga , siya sayo na mas bagay ka naman maging madre kesa sa'kin" pang-iinis niya sabay abot ng dress sa'akin.
"Atleast ako maganda kahit walang make-up eh ikaw kulang nalang mabasag ang salamin kakatitig mo sa mukha mo kung paano mo pagagandahin ang sarili mo. Ha-ha look at yourself dear. Wala ka pa sa kalingkingan ng gandahan ko.kaya wag mo akong minamaliit baka mapahiya ka lang" sabi ko. Saka tumalikod at pumuntang counter hindi ko na hinintay na sumagot pa siya. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sa kanya noh? Ang ganda ko masyado para patulan pa siya.tss
Princess POV
Grrrrr Ang kapal ng mukha ng Erikang yun kala mo naman kung sino.
Tss may araw ka rin Erika. Porket kayo may ari ng school eh ganyan na siya kayabang. Bweset na babaeng yun. Hindi naman bagay sa kanya ang damit na yun.
Oo nga pala Im Princess Althea Sanchez, Classmate ko sa mayabang na babaeng yun. Tahimik ako pero mataray ako kapag tinarayan ako. Mabait ako kung mabait sa'akin ,pero masama akong kaaway
Mayaman din kami , kaya ako nakapag-aral sa WFU. Isa sa mga pinaka-sikat na school sa bansa. Sa isang katulad ko na hindi ganun kayaman maswerte nalang at nakapag-aral ako sa school na yun sa subrang mahal ng tuition. Yung ibang nag-aaral dun anak ng mga mayayamang negosyante sa bansa.
Nagsikap ako para dito sa WFU ako eenroll ni papa. Matagal kong hinintay na makapag-aral ako sa WFU dahil doon nag-aaral si Raiven.
High school palang ako crush ko na siya. Lagi akong nag-aabang sa labas ng Westford High dati para makita siya.
Naging stalker niya ako dati pa. Kaya nagsumikap ako para pumayag si papa na kapag nag-college ako sa WFU niya ako ipa.enroll. Nagbunga naman ang pagsisikap ko kasi doon na ako ngayon nag-aaral.
At Subrang saya ko kasi classmate ko siya. Pareho kami nga course at major sinadya ko yun para lagi ko siyang makita at makasama.
Inayos ko ang sarili ko bago palang ako pumasok. Hindi ako ganito dati. Akala nila mabait ako. Pero isang akong bitch dati at lagi akong mapapasabak sa gulo noong high school palang ako. Naging bully ako sa mga babaeng loosers. Pero simula ng mag-aral ako sa WFU unti-unti kong binago ang sarili ko. Ayokong isipin ni raiven na masama ako. At ayokong maging masama sa paningin niya.
Isa din sa kinaiinisan ko ay ang pagiging close nila ni Erika alam kong kasali siya sa Empire kasi kapatid niya ang leader ng grupong yun.Bweset talaga kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit pa lalo kay Raiven.
Kasi kong titingnan ko si Erika. Iba siya tumingin kay Raiven parang may gusto siya nito. Babae din ako kaya napapansin kong iba ang kinikilos niya kapag nandyan si Raiven sa harap niya.
Ang landi pala ng babaeng yun. Kala mo kung sinong mabait. Pwes ipapakita ko sa kanya na mas bagay ako Raiven.
Kung bitch siya , mas lalo ako. Matagal kong hinintay na mapalapit ako kay Raiven at hindi ko hahayaan na mabaliwala lang lahat ng hirap ko.
A/N : comment lang kung may gusto kayong sabihin.
Vote kong nagustuhan niyo!
<3 Yhaniie