Prologue

1.2M 23.7K 6.3K
                                    

Sana

Written by Aly Almario


"Nothing is more powerful than regret. Nothing is more painful than knowing that you might not have a second chance to make things right.

I just realized how much I love that guy nang mawala na siya sa akin. Tama naman sila eh, laging nasa dulo ang pagsisisi. I didn't treat him right. Hell, I treated him like a trash. At alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit siya nawala sa akin.

But I love him. Ilang taon na ang nakalipas pero siya pa rin talaga eh. Ang hirap niyang kalimutan. Everytime na nakikita ko siya, katakot takot na sana ang tumatakbo sa isip ko.

Sana nagawa kitang i-appreciate dati.

Sana nagawa kitang pahalagahan.

Sana noon pa lang nakita ko na kung gaano ka kaimportante sa buhay ko.

Sana bigyan mo pa ako ng chance.

Sana ako pa rin ang mahal mo.

Nakaka depress. Ang sakit sa puso. Pero kahit ilang beses niya pa akong ipagtulakan, hindi na ako bibitiw.

I love him so much and I want him back."

~ Aiscelle Monasterio

~*~

"Posible pa lang hilingin na sana hindi mo na lang nakilala ang isang tao? Posible rin palang kamuhian mo ng husto ang isang taong minsan mo nang minahal. At posible ring magawa mong saktan ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.

My whole life is a giant mess. Wala na lang akong ibang ginawa kundi mag loko. Gusto kong makalimot. Gusto kong tumakas. Gusto kong lunurin sa alak ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit kailangan niya pang ipilit ang sarili niya sa akin? Bakit nanghihingi siya ng second chance?

Goddamnit! Hindi niya alam kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko para wag siyang halikan dahil bwiset, I still love her and I hate it!

Sana hindi na lang siya ulit nag pakita sa buhay ko."

~ Jasper Yu.

~*~

"Sana.. sana.. sana..

Sana natuturuan ang puso.

Sana madaling mag move on.

Sana hindi tayo tanga kapag nagmamahal tayo.

LECHE PURO SANA! HAYOP! WHOO! PARTY PARTY!

ANG SAKIT SAKIT!

Eh tangina naman Nica eh! Bobita kang leche ka! Nag warning na siya sa'yo 'di ba?

Sabi niya: "don't fall in love with me."

Yabang pa ng sagot mo: "gago! Assumero mo hayop!" sabay taas ng middle finger.

Eh ano ka ngayon? Nganga ka! Ngangawa ngawa ka ng iyak kasi na-inlove ka punyetang yun!

Eh kasi naman, tanga tanga mo sa pagibig! Lagi ka na lang nasasaktan, naloloko, iniiwan, ipinagpapalit! Ano ba! Gising gising din! Ang hilig mong ma-inlove sa mga pogi kasi. Mga poging leche na puro papogi pero mga walang puso at hilig hilig manakit. Dapat sa kanila pinuputulan ng ari nang mawasak ang kaligayahan nila. Mga hayop sila.

HAYOP!

Ang sakit bwiset! Whoo! Tanga ko!!!

Dapat sa akin binabaril sa Luneta!

Be right back. Magpapatayo lang ako ng rebulto para sa mga tanga sa pagibig na katulad ko. Para may lugar naman kami kung saan pwedeng mag tirik ng kandila para sa puso naming namatay.

~ Nica Briones.


~*~



Aly's Note:

I'll start this one once na matapos ko ang Game Over! :) (Which is very soon!)

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon