Chapter Sixty Two

234K 8.6K 4.7K
                                    

Chapter Sixty Two

NICA.

Dapat na ba akong kabahan?

Nanginginig ang tuhod ko habang paakyat kami sa third floor nitong apartment kung saan ako dinala ni Jasper. Wala pa rin akong idea kung bakit kami nandito.

May friend ba siya rito? O siya ang nakatira rito? Bagong apartment niya ba 'to?

Tumingin ako sa paligid. Yayamanin ang itsura. Tatlong floors lang kaya siguro apartment pero feeling ko pag lumaki-laki pa 'to, condo na ang tawag sa lugar na 'to.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto at kinuha ni Jasper ang susi sa bulsa niya.

"Uhmm... sino nandyan?" tanong ko sa kanya habang busy siya sa pag tingin ng mga susi niya.

"Ah, walang tao diyan," lumingon siya sa akin at nginitian ako. "Tayong dalawa lang," at kinindatan niya ako.

Dapat na nga talaga akong kabahan.

Narinig ko ang pag click ng lock ng pintuan at para ring lumundag ang puso ko.

Anak ng pating, Nica. Sinabi nang hindi ka erotic writer, eh!

Kinuha ko ang phone ko at nagkunwaring may tinitignan na text message.

"Ay! May nag text!" sabi ko. "Si ano... uhmm.. y-yung d-director. Pinapabalik ako."

Tinalikuran ko si Jasper pero agad niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ako.

"J-Jasper...?"

Hinablot niya ang phone ko mula sa kamay ko.

"H-huy! Akin na yan!"

Itinaas niya ang kamay niyang may hawak ng phone ko at ako naman, parang sira na inaabot sa kanya ito. Pero dahil nga ang liit ko at hindi ko siya abot, wala rin akong nagawa.

"Ayan, off na," sabi ni Jasper at ibinulsa niya ang phone ko.

"Ano ba! Amin na yan! Kailangan ko nang umalis! Mamaya may importanteng mag text, eh."

Umiling siya, "no. You are always running away from me. Nandidiri ka ba sa akin?"

"A-ano na naman yang sinasabi mo..?" napayuko ako.

Totoo naman, eh. Iniiwasan ko talaga si Jasper. Natatakot ako na sumama sa kanya kapag kaming dalawa lang. Hindi dahil sa alam kong manyak siya o malandi siya o hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

Nakakatakot kasi na mamaya may gesture na naman siya na ma-misinterpret ko. Hobby ko pa naman yun. Yung bigyan ng meaning ang bagay bagay.

Hindi ko alam kung dahil ba writer ako at laging nangunguna ang imagination ko sa lahat ng bagay o sadyang assumera at malisyosa lang ako.

Tulad ngayon.

"Nica..." hinawakan niya ang pisngi ko at inangat niya ng bahagya ang mukha ko para tignan siya. "After mong bumalik, lagi kong napapansin na sobrang ilap mo na sa akin. I keep on asking myself kung may nagawa ba ako sa'yo? Pero alam mo, yung matagal mong pagkawala at yung pag-iwas iwas mo sa akin, ang dami kong na-realized, Nica."

Napalunok ako. Feeling ko any minute aatakihin ako sa puso.

Alam mo yung pag nagsusulat ka ng istorya, lalo na kung romance, alam mo na kung saan papunta ang ganitong mga eksena. Yung mood, mga linyahan, expressions ng dalawa mong bida. Ayun na, eh. Ito ang 'right time' sa storya ng dalawa mong bida.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon