Chapter Forty Seven

220K 6.4K 2.6K
                                    

IMPORTANT NOTE. PLEASE READ!!!!!

Nag update po ako last week ng chapters 45-46. Bruha kasi si Watty, hindi nag n-notif, eh. Dami nag m-message tuloy sa akin na di nila nakita yung update

Kapag ayaw lumabas ng update, remove niyo muna ito sa library niyo then add niyo uli. Ganun din gawin niyo pag nag skip ng chapters or ayaw lumabas nung mga binanggit kong chapters.

Ayun lang. Sana itong update na 'to maayos na. Sunod sunod na mga important chapters pa naman <//3


~*~



Chapter Forty Seven

JASPER.


"Nasaan ang bebe Ice ko?!" dinig kong sigaw ni Timi.

"Naliligo pa," sagot naman ni Geo.

"Ay really? Wait masilip nga!" masiglang sagot naman ni Timi.

"Babaeng manyak," sabi ni William.

"Tse!"

Narinig ko ang mga yapak ni Timi na papalapit sa akin.

"Anyare dito kay Jasper Yu? Ba't mukhang bangkay na yan?" tanong niya.

Nagtalukbong ako ng kumot at pinagsiksikan ko ang sarili ko sa pinaka gilid ng sofa. Ayokong makipag usap kahit kanino.

"Paano nag AWOL na lang bigla si Nica sa buhay niya," sabi ni Ayen. "Nag resign sa cafe tapos sa resto mo tapos ayan hindi na mahanap ni Jasper."

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko naabutan si Nica nung nag pasa siya ng resignation. Tapos biglang tumawag sa akin si Timi na kahit sa kanya nag resign din si Nica. Ang dahilan niya, uuwi ng probinsya. Kung saang probinsya man yon, I don't have any idea.

Pumunta ulit ako sa bahay niya pero wala na siya doon. Wala nang mga gamit. I tried calling her multiple times pero cannot be reached na ang number niya. I even went to Mamita's house pero wala na ring tao doon.

Hindi ko inakala na sa isang iglap, kaya nga talagang mawala ni Nica sa buhay ko.

Naramdaman ko na yun, eh. Nakikita ko na una pa lang. Alam kong malaki ang chance na biglang umalis si Nica sa buhay ko. Ilang beses na niyang sinubukan. Ilang beses na niyang ginawa na 'di siya nagparamdam sa akin.

Pero nakakainis kasi nasanay ako na everytime na gagawin niya yun, everytime na iiwasan niya ako, isang pangungulit ko lang bumabalik na naman siya sa akin.

Nakakayamot.

Nakakainis isipin kung paano ko siya na-took for granted. Yung tipong alam kong pag nagtangka siyang umalis, babalik siya agad sa akin kasi hindi niya ako matitiis.

Alam ko na naman na, eh. Ramdam ko na. Pero hindi ko tinapos agad ang sa amin ni Aiscelle kasi natatakot ako na baka nagkakamali ako ng desisyon.

Hindi ako makapaniwala na kaya ko pang magmahal nang mas higit pa sa ibinigay ko kay Aiscelle noon. Akala ko kasi nasagad na ako. Akala ko wala na akong kayang ibigay.

Akala ko, kaya siya importante sa akin dahil lagi niya akong tinutulungan. Lagi siyang nandyan. Lagi siyang nakaalalay.

I thought I love her because I need her.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon