Chapter Eight

268K 8.5K 2.1K
                                    


Chapter Eight

JASPER.


(Flashback. Three years ago)

Ang hirap hirap pala talaga nang buhay kapag wala ang kaibigan kong si Timi. Ba't naman kasi niya naisipang sa Paris na mag-aral? Ngayon, wala na akong malapitan para humingi ng tulong dito sa bine-bake ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung ba't hindi umaalsa 'tong heart-shaped na chocolate cake na ginagawa ko. Nakaka-frustrate na ha. Nauubos na ang ingredients ko! Aba ang mahal pa naman ng mga kasangkapan pang bake. Halos naubos ang pang isang-buwan na baon ko rito. Yari na naman ako kay mama.

"Kuya, ano ba 'yan? Ba't ang kalat naman dito sa kusina?"

Napalingon ako sa kapatid kong si Jaden na papasok sa kitchen namin. Pawis na pawis at ang dumi ng puting shirt na suot. Sa kanang braso niya ay ipit-ipit niya ang bola ng basketball.

"Nag basketball ka ba o nakipag wrestling?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at dumiretso siya sa ref sabay inom ng tubig.

"Ano 'yan kuya? Ikaw nagluluto ng dinner natin ngayon? May himala."

"Loko. 'Di 'to para sa'yo. Para 'to doon sa nililigawan ko."

Sinilip niya yung bine-bake ko.

"Heart shaped cake? Ang bakla kuya ha!"

"Walang basagan ng trip pre!"

Naupo si Jaden sa bar stool. Ako naman, chineck ko ulit yung cake at laking tuwa ko nang makita kong umalsa na ito. Tinusok ko ng toothpick ang gitnang bahagi ng cake. Wala nang sumasama na crumbs.

"Salamat naman at nabuo ka rin!" masigla kong sabi sabay kuha nito sa loob ng oven.

"Oh shit!" napabitiw ako bigla sa pastry tray dahil napaso ako. "Shit shit! Ang sakit!"

"Ayan tanga."

Lumapit si Jaden at kinuha yung cake sa oven.

"Kuya uso gumamit ng pot holder."

Hindi ko siya pinansin at dire-diretso ako sa sink at hinugasan ang daliri kong napaso. Lumulobo na ang paso ko. Ang hapdi bwiset. Sa daliri pa! Makahawak sana ako ng drum sticks ng maayos nito kundi yari ako kay Ice at Geo. 'Pag na beastmode pa naman ng sabay ang dalawang yun ang sakit sa ulo.

"Anyare na kuya?"

"Ang sakit ng paso ko."

"Lagyan mo ng toothpaste."

"Effective ba 'yun?"

Nagkibit balikat si Jaden, "ewan. Oo raw?"

"Mamaya na. Tatapusin ko muna 'tong cake. Marunong ka bang maglagay ng icing na maayos?"

"Seryosong tanong 'yan kuya? Alam mong puro bola ng basketball ang hawak ko, tas tatanungin mo ako dyan?"

I grinned, "bola ng basketball? Baka pati babae."

Napatawa ng mahina si Jaden at umiling, "wala akong panahon dyan."

"Sus. Sinasabi mo lang 'yan kasi highschool ka pa lang. Naku pag ikaw tumungtong sa college..."

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon