Chapter Forty Two

235K 8.2K 6K
                                    

Chapter Forty-Two

JASPER.

"Nica," I whispered.

Hindi siya sumagot. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. She won't meet my gaze. I saw her clenching her teeth. Her hand balled into fist.

I know that she's about to cry pero pinipigilan niya ang mga luha niya. Huminga siya nang malalim. Paulit ulit. She bite her lower lip. She tried her best to steady her heavy breathing.

You can cry in front of me, you know. I won't judge you. I'm here Nica. Pwede kang magpakita ng kahinaan sa akin.

Please.

Please.

Inangat niya ang kanyang tingin and then she smiled at me.

A smile that did not reach her eyes.

"Ayos na ako Jasper Yu!" masigla niyang sabi. "Balik ka na doon. Baka iniintay ka na nila."

Nica, ba't hindi mo kayang ipakita sa akin ang totoo mong nararamdaman?

"Uy! Ba't ganyan ka makatingin sa akin?" tanong niya. "Okay na ako."

Mas lumawak ang ngiti sa labi niya.

At parang mas bumibigat ang pakiramdam ko.

It's a mask. It is all a mask.

Alam ko ang totoo niyang ngiti. Yung genuine. Yung ngiting madalang lang niyang ibigay sa ibang tao pero sinuwerte ako na ilang beses niya na 'tong ipinakita sa akin.

"Sige na," tinapik niya ako sa braso. "Alis na ako."

Patalikod na sana si Nica nang hawakan ko ulit ang braso niya.

"Nica wait."

Hindi siya lumingon pero huminto siya sa paglalakad.

Look at me. Okay lang na makita kitang umiiyak. Okay lang na maging vulnerable ka sa harapan ko because I am here for you.

"Wait for me," sabi ko. "M-mabilis lang yung meeting. Please? Wait for me."

"May usapan kami ni Benedict, eh."

"Please Nica."

Nakita ko ang pag aalangan sa mukha niya.

"Sir Jasper, need na raw po kayo sa loob," tawag sa akin nung secretary ni Stan.

"Kita na lang tayo sa café niyo," sabi ni Nica habang nakangiti sa akin. "May duty naman ako bukas doon."

"Nica--!"

At bago pa ako makaangal, tumakbo na siya palayo sa akin.

Napakamot ako sa likod ng tenga ko.

Lagi na lang niya akong tinatakbuhan. Lagi siyang umaalis.

Kailangan bang palagi akong magkaproblema para lumapit ulit siya sa akin?

Naglakad na ako pabalik sa opisina ni Stan pero napahinto rin agad ako.

Anak ng tokneneng na babae talaga 'to! Veronica Briones!!

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon