Chapter Fifty One

233K 7.7K 1.5K
                                    


Chapter Fifty-One

NICA.


"Paki ulit nga yung sinabi mo," sabi ko kay Aiscelle.

Napairap siya sabay lagay ng gin sa shot glass niya at dire-diretso niya itong ininom.

Napatingin ako sa paligid, walang tao. Nandito kasi kami sa bahay nina Aiscelle ngayon dahil wala siyang ma-tripan na bar na puntahan. Sabi niya silang tatlong magkakapatid lang ang nandito at wala pa yung dalawa kaya wag daw akong mag-alala.

Feeling ko nga mas kinabahan ako. Hindi naman sa pang huhusga, pero alam nyo na, writer ako at mahilig pa ako sa mga thriller story. Kung may papatayin ako syempre sa ganitong set up din. Solo. Walang ibang tao. Putakte, wala pang nakakaalam na magkasama kami.

Dapat pala sinabihan ko si Benedict na sumama para kung sakaling may mangyari man sa akin, at least may witness.

Inilapag ni Aiscelle ang bote ng gin sa harap ko.

"Shot," sabi niya.

Umiling ako, "ulitin mo muna yung sinabi mo."

Napa-irap ulit siya.

"Sabi ko hindi ko boyfriend si Jasper. Ano gusto mo? Isigaw ko pa ha? Paulit ulitin ko ganun? HINDI. KO. BOYFRIEND. SI. JASPER. Happy?!"

"P-pero---"

"Bago ka umalis at magtago," pag putol niya sa sinasabi ko, "nag usap kaming dalawa. Closure."

Natahimik ako at tinagayan ko ng gin ang shot glass sa harapan ko at dire-diretso ko 'tong ininom. Napangiwi ako bigla.

"Shet ang pait!"

Parang umikot ang paningin ko. Kalahating shot glass lang yung tinagay ko ah leche.

Kinuha ni Aiscelle mula sa kamay ko yung gin at siya naman ang nag tagay sa shot glass. Puno. Inabot niya ito sa akin.

"Iinom ka rin naman pala, ang dami mo pang arte. Isa pa!"

"Papatayin mo ba 'ko?"

Nag kibit balikat lang siya at ako namang si gaga, tinungga ko ulit ng inom yung alak.

Ilang beses pa nya ginawa yun. Wala naman akong keme na inumin yung alak dahil baka sakaling mag sink in na sa utak ko yung sinabi niya.

Closure.

Hindi sila.

Mali ako ng akala.

Shit na yan.

Pero may dapat ba akong ikasaya doon? Dapat ba akong mag pa-party ngayong nalaman kong single si Jasper?

Wow.

Single si Jasper.

Nung nakita ko siya, mukhang maayos siya, masaya. Ang lawak din ng mundo niya eh. Showbiz world. Ang daming magaganda, sexy at talented na mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Isa pa...enjoy na enjoy naman siya sa pagsasabing kaibigan niya ako.

So may dapat ba talaga akong ikatuwa sa sinabi ni Aiscelle? Porket hindi sila ibig sabihin nun eh kami na talaga?

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon