Chapter Twenty One

264K 8.3K 3.8K
                                    


Chapter Twenty-one

AISCELLE.

Nakailang hinga ako nang malalim habang inaantay ko si Jasper dito sa coffee shop. I'm too early. 30 minutes before the scheduled time, dumating ako sa coffee shop. Nag text pa si Jasper nab aka ma-late siya ng onti dahil hindi pa tapos ang shoot nila.

I ordered a cup of mint blend tea with honey. Gustong gusto kong magkape pero iniisip ko, baka tamaan ako ng sobrang nerbyos kapag nagkape pa ako.

At ngayon, ang kailangan kong gawin ay kumalma.

I heard my phone beeped at tinignan ko kung sino ang nag text sa akin. It's Ed Sheeran.

Napatawa ako ng mahina. Ed Sheeran pa rin ang tawag ko sa kanya at kahit ang name niya dito sa phone ko ay ganun din. I didn't bother asking his real name.

Kung sabagay kahit siya rin naman hindi tinatanong ang pangalan ko.

Siguro dahil mas okay na yung ganito. Yung complete strangers kami sa isa't-isa.

I opened his text message.

'Good luck :)'

Napangiti ako kahit papaano sa text niya. Nireplyan ko siya.

'Thanks. Sabi niya male-late siya. I'm really nervous :('

'Kaya mo 'yan. Ikaw pa! Go Taylor!'

Napatawa ako ng mahina at natatawa ako sa tawagan naming dalawa.

Kung iisipin, parang ang weird lang. Parang bigla akong nagkaroon ng ka-textmate sa lagay na 'to samantalang I'm too old for this. Kahit nga nung highschool ako hindi ako nagkaroon ng ka-textmate. Eh ngayon, hindi na uso ang textmates na 'yan. Lahat sa online na.

But weird. Nagpapa-advice ako at kumukuha ng lakas ng loob sa isang taong hindi ko naman kilala.

Siguro yung fact na alam kong hindi na kami magkikita ni Ed ang biggest factor kung bakit ako nakapag open sa kanya. Takot akong mag open up ng problema sa ibang tao. Kahit kay Ice at Erin hindi ako masyadong nag oopen. Ewan. Takot akong ma misunderstood? Mahusgahan? Takot akong makita kung ano ang expression nila habang ikinukwento ko lahat ng mga masasama at napaka selfish na bagay na ginawa ko.

Pero si Ed, siguro dahil sa phone kami magkausap. Siguro dahil hindi ko siya nakikita.

At siguro dahil ang genuine lang ng mga advices niya sa akin.

"Aiscelle?"

Napaayos agad ako ng upo at parang tumigil ang pag-hinga ko nang marinig ko ang boses ni Jasper.

Nilingon ko siya.

"Hey," bati niya at naupo siya sa harap ko.

I gave him a nervous smile.

"Uhmm... it turns out hindi ka na-late," sabi ko. He's early. It's still 10 minutes before 7pm.

Tumango siya.

"Yeah. Pinayagan na ako ni direk na umalis ng maaga."

Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya. He's wearing a white longsleeves na itinupi niya hanggang siko. Hindi na rin naka-sling ang braso niya at mukhang magaling na ang bali niyang buto. Pormang porma siya ngayon siguro dahil galing sa shoot. Ang gwapo ng dating ni Jasper. Ang ayos niya. May aura siya na pag tinignan mo siya, alam mong napaka successful na ng taong 'to.

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon