Chapter Twenty-Eight
AISCELLE.
"Seriously, Aiscelle?!" iritang sabi ni Stan sa akin mula sa kabilang linya ng phone.
"Yes, seriously," sagot ko at hindi ko maitago ang pagkadismaya sa boses ko. "I need to go now. Our meeting is about to start."
"Don't you dare end this call Ms. Monasterio! Concert ng EndMira ngayon! Your Jasper invited you and yet, you turned him down! For what? For some petty business meeting with a low class investors?"
"Grabe ka naman makapanlait sa mga ka-meeting ko!"
"I know Mr. Garcia. Babaratin ka lang niyan kaya might as well cancel the meeting at pumunta ka na kay Jasper! Mamaya maunahan ka pa!"
"Pero kasi..."
"Aiscelle! Akala ko ba babawi ka sa kanya? Akala ko gusto mong patunayan sa kanya na mahal mo siya? Eh ano? Yung pag bawi mo sa kanya eh second option pa rin? Mauunahan ka talaga."
Huminga ako nang malalim.
Sa totoo lang may ticket na ako sa concert ng EndMira. Galing kay Ice. At eto ako ngayon, nag-aantay sa isang meeting. Pero 'di ba mas importante ang meeting? Ang trabaho?
"Never mo pang napanuod silang tumugtog simula nang maging sikat pa sila 'di ba?" sabi ni Stan mula sa kabilang linya. "Pumunta ka. Hindi lang para kay Jasper, kundi pati na rin sa kakambal mong epal."
"Stan!"
"Este doon sa Ice na manloloko."
"Hindi manloloko ang kakambal ko!"
"Joke lang! Doon sa kakambal mong desperado kay Timi."
Napatawa ako nang mahina.
"Wala ka talagang matinong description sa kakambal ko 'no?"
"Wala. At wag mong ibahin ang usapan! Pumunta ka."
Huminga ako nang malalim.
"Hahabol ako doon sa concert. Nandyan na si Mr. Garcia and I cannot cancel the meeting today."
"But Aiscelle---!"
"Bye Stan."
I ended the call.
Naglakad ako papasok sa conference room kung saan naghihintay si Mr. Garcia.
Oo, dismayado ako. Gusto kong umalis. Gusto kong pumunta sa concert pero tali ang kamay ko sa mga responsibilidad na dapat kong harapin.
Mauunahan nga talaga ako.
"Ah, Ms. Monasterio," nakangiting sabi ni Mr. Garcia pero halata sa mukha niya ang pag-aalala. "Uhmm, is it okay if we resched our meeting today?"
"R-resched sir? Why?"
"I am so sorry, I have an emergency call and I need to go. I am really sorry."
"Oh I see," nginitian ko siya. "It's okay sir. No worries! Pwede naman po natin i-resched."
"Please do! Thank you talaga ah? And sorry!"
BINABASA MO ANG
Sana (EndMira: Jasper)
RomanceJasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his own medicine when he fell in love with Aiscelle and got his heart broken by her. A few years have passed and Aiscelle is back in his life agai...