Chapter Twenty Three

240K 7.7K 2.6K
                                    


Chapter Twenty-Three

NICA.

Shit na buhay talaga 'to.

Last day ko sa work dito sa bar pero hindi ako makapag concentrate. Mali maling table ang nabibigyan ko ng orders. May isang beses pang nakabasag ako ng bote ng beer. Akala tuloy ng manager namin sinasadya ko kasi last day ko na.

Pero hindi kasi talaga ako makapag concentrate dahil doon sa dalawang taong nasa may bar counter.

Si Chef Timi at..isang lalaking hindi ko kilala. Mukhang foreigner eh. Mestizo, matangkad, brown ang mata, may dimple sa kaliwang pisngi, okay, killer smile, ginger hair, mukhang model. Sige na. Pang lead guy character ang itsura niya sa isang novel. Oo na. Gwapo siya.

Pero masyado siyang nakadikit kay Chef Timi.

Aba, walang may karapatang dumikit kay Chef Timi ng ganyang kalapit maliban kay Sir Ice.

Si Ice na main vocals ng EndMira. (At kakambal ni Aiscelle...)

Aba! Kitang kita naming mga empleyado ni Chef Timi kung gaano nag e-effort si Sir Ice sa kanya! Gusto ko na nga silang sulatan ng kwento dalawa eh. Pero ano 'to? Bakit ibang lalaki ang kasama niya?

Dumaan ako sa likuran nila. Kita kong pulang-pula na ang mukha ni Chef Timi. Halatang lasing na lasing na siya eh.

Hindi ako mapakali. Parang may mali at hindi ko alam kung ano yun.

Nagpaalam ako na mag r-restroom lang ako. Nang makapasok ako sa restroom, agad kong inilabas ang phone ko at tinext si Jasper.

'Punta ka sa bar. Lasing si chef Timi. I-uwi mo siya'

I hit the send button at i-o-off ko na sana ulit ang phone ko nang bigla itong tumunog.

Calling...

Jasper "Feeling Pogi" Yu

Shit naman.

Ba't tumatawag 'to?!

"Hello?"

"What the hell, Nica?!" rinig kong sigaw niya mula sa kabilang linya.

"Huh?"

"Iniiwasan mo ba ako? You're not answering my calls! Akala ko sira phone mo? Eh gumagana naman! Galit ka ba sa akin?"

Napahinga ako ng malalim.

"Jasper pwedeng mamaya ka na magalit ha? Pwedeng pumunta ka na lang dito at sunduin mo si Chef Timi ha? Hindi ko gusto yung kasama niya."

"Si Ice yang kasama niya. Wag kang mag alala. May date sila ngayon. Pero wow si pareng Ice ha umaariba. Sa bar talaga dinala si Timi? Kung sabagay, feeling ko si Timi pa ang nag yaya."

"Jasper! Hindi siya si Ice! Alam ko ang mukha ni Ice! Itong kasama niya mukhang foreigner!"

"Wait.. shit! Are you serious?"

"Oo nga sabi! Pumunta ka na."

"Shit! Timi! Shit! Ba't iba kasama niya?! May date sila ni Ice! Naku talaga naman Timi!! Kakagatin ko yang babaeng yan! Makikita niya!"

Sana (EndMira: Jasper)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon