Chapter Thirty One
NICA.
"So, how was your night?" ngiting ngiti na tanong sa akin ni Jaden habang ginagawa ko ang in-order niyang white chocolate mocha.
Nag kibit balikat ako at pinilit kong magpaka poker face, "ayos lang."
Mas lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Jaden, "oh? Balita ko nag strip dance daw si kuya sa harap mo."
Halos maibagsak ko ang blender na hawak ko.
Lecheng Yu, ikinuwento talaga nya 'yon?!
"Oh, base on your expression, it's true! Nag strip dance talaga si kuya sa harap mo? Akala ko gino-good time lang ako nung panget na yun nung sinabi niya." Umiling iling si Jaden habang ngiting ngiti. "Wala. Iba talaga dumamoves ang mga Yu."
Tinignan ko siya nang masama.
"Maka ganyan ka, 'di ka pa naman nagkaka jowa."
Nawala ang ngiti sa labi niya.
"Ouch Ate Nica! Ang sakit mo mag salita talaga!! Pasalamat ka boto ako sa'yo para kay kuya!"
Napailing na lang ako.
Parehong pareho sila ng kuya niya. Hanga ako sa mama nila na nagawang pakisamahan ang dalawang bugok na lalaki sa bahay sa loob nang mahabang panahon.
"Pero 'di nga ate Nica, anong masasabi mo sa abs ni kuya?"
Inilagay ko ang white chocolate mocha sa cup at nilagyan ko ng maraming whipped cream at chocolate drizzle. Iniabot ko 'to kay Jaden.
"Ayan, matamis na white chocolate mocha nang matauhan ka na kailangan mo nang humanap ng jowa kesa lovelife ng ibang tao ang iniintindi mo. 'Tong totoy na 'to."
"Maka-totoy! 18 na ako! I'm an adult!"
"Pero 'di pa rin nagkaka-jowa. Karamihan ng mga 18 years old na lalaki hindi na virgin."
"Darating din tayo dyan," kumindat siya.
Napailing na lang ulit ako.
Ang mga Yu talaga.
"Ate Nica!!"
Nilingon ko si Jaden at napansin ko na nagiba ang aura niya.
"Bakit?"
Inabutan niya ako ng dalawang daan.
"Eh? Para saan?"
Tumingin siya sa may pinto. Napatingin din ako at napansin kong may tatlong babae ang papasok sa loob. Yung isa, babaeng above the shoulder ang buhok, naka sleeveless blouse na pink at white shorts. Yung isa naman naka-pony tail na mataas ang bukhok, naka skirt na itim at red na shirt. Yung isa naka braid sa gilid ang buhok at nakasuot ng puting bestida.
"I'll pay for her drink," sabi niya habang nakatingin doon sa mga babae.
"Uhmm, sino sa kanila?"
BINABASA MO ANG
Sana (EndMira: Jasper)
RomanceJasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his own medicine when he fell in love with Aiscelle and got his heart broken by her. A few years have passed and Aiscelle is back in his life agai...