Dedicated to Kathism. Salamat po sa magagandang comments! Yung alam kong may "bias" siya na character but still, iniintindi at inuunawa pa rin niya yung side nung isang character. <3 At dahil diyan,---- *sabog confetti*
Chapter Sixteen
JASPER.
(Almost three years ago)
"Anak, kakain na tayo ng dinner!" sabi ni mama sabay pasok sa kwarto ko. "Buong araw ka nang andyan sa kwarto mo. Baba na! Kanina ka pa nakaharap sa laptop mo eh!"
"Wait lang ma. Saglit na lang po."
Lumapit sa akin si mama at sinilip ang ginagawa ko sa laptop. Agad ko naman itong tinakpan.
"Ma!" saway ko sa kanya.
"Patingin lang! Nanunuod ka ba ng porn?"
"Ma naman! Porn talaga? Ang dumi ng tingin mo sa pinaka-gwapo mong anak."
Napatawa ng mahina si mama habang iiling-iling.
"Alam kong lahat ng lalaki nanunuod ng porn anak."
"Hindi ako nanunuod ngayon okay?"
"Eh ano yang ginagawa mo at hindi ka maabala?"
Napa-buntong hininga ako at tinignan ko si mama.
"Ma, tingin mo bagay sa akin maging architect? O doctor? O nurse? O pwede ring chef? Ano tingin mo?"
Napakunot ng noo si mama.
"Bakit mo naman tinatanong 'yan? Ayaw mo na ba nung course mo?"
"Eh ma, naisip ko pang hobby lang naman ata yung pag tugtog eh. Nagiisip na ako ng pang professional na course."
Hindi sumagot si mama at tinignan lang ako ng seryoso.
Napayuko ako.
"Hindi k aba proud sa akin ma? Mature na magisip ang panganay mo?"
Napahinga ng malalim si mama.
"Alam mo anak, kung pagiging praktikal lang din, tama naman yang iniisip mo. Pero ang tanong....masaya ka ba? Kung lilipat ka ng course, magiging masaya ka ba? Matatapos mo ba yan? Mahirap pag-aralan ang isang kurso kung hindi ka naman masaya. Tignan mo ako, anim na taon bago nakalagpas sa college. Paano, gusto kong mag mass-com pero pinilit akong mag nursing. In the end, nagka-bagsak bagsak din ako sa nursing at lumipat ako sa kursong gusto ko."
Hindi ako makaimik. Gusto kong sabihin kay mama na oo, magiging masaya naman ako. Pero sinong niloloko ko? Mula umpisa pa lang alam ko na ang gusto kong marating sa buhay. Kung di ako makakatugtog ng matagal, pwede akong magturo. Basta may kinalaman sa musika.
Pero lately napapaisip na ako dahil kay Aiscelle. Simula nung mag-away kami at sinabihan niya akong kulang pa ang ginagawa ko, ilang beses nang sumagi sa isip ko ang mag change ng course.
Alam ko magagalit ang buong EndMira sa akin pag nalaman nila ang gagawin ko. Lalo na siguro si Geo dahil alam niya ang tunay na dahilan.
Pero ang hirap na kasi eh. Nanliliit ako sa sarili ko. Yung pakiramdam ko naparang napaka walang kwenta ko? Na kahit anong effort ko, kung ganito lang ang gusto kong gawin, never akong papasa sa standard ni Aiscelle at ng pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Sana (EndMira: Jasper)
RomantizmJasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his own medicine when he fell in love with Aiscelle and got his heart broken by her. A few years have passed and Aiscelle is back in his life agai...