Author's Note: I do not own the photos. Credits to the rightful owner. Thanks kay google. Hahahahaha.
Zea's POV
Nakakunot ang noo ko habang nasa sakayan ng jeep. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid pero hindi ko sila pinapansin. What? Tinakas lang naman ng kapatid ko yung kotse ko kaninang umaga kaya nagcommute lang ako.
And now, nasa sakayan ako ng jeep dahil ayokong mag-taxi. Mahal ang taxi sayang ang pera.
Tinignan ko ng masama ang lalaking nasa likuran ko nang sumipol ito at ngumiti sakin ng manyak. Kung wala lang akong dalang laptop ay baka binangasan ko na siya.
"Lima pa! Lima pa at aalis na!" tawag ng konduktor
Nakapila kami sa sakayan ng jeep at patyloy na nagtatawag ang konduktor. Gusto ko ng umuwi kaya nagtungo ako sa jeep at sumakay.
Siksikan na pala sa loob at wala ng maupuan. Bababa na sana ako nang biglang umandar ang jeep buti nalang at nakahawak ako sa hawakan sa taas.
"Usod na lang po tayo! Maluwang pa po yan!" sabi ng konduktor kaya sinamaan ko siya ng tingin habang patuloy na umaandar ang jeep
"Ginagago mo ba ako? Kita mong hindi ako makaupo tapos maluwang?!" inis na tanong ko
"Maluwang pa yan! Usod nalang po kayo dyan sa kanan!"
Pinaupo ako ng matandang babae sa tabi niya kung saan may maliit na espasyo. Nahihirapan ako dahil kalahati lang ng puwet ko ang kasya at pag prepreno ng malakas ang driver ay kailangan kong humawak ng mahigpit para hindi ako mahulog sa kinauupuan ko.
"Bayad mo, Miss." sabi ng konduktor
Kanina pa ako nababanas sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako magbigay ng sampung piso.
"Sa Dailos." inis na sabi ko
"Dailos? Kulang ng sampung piso bayad mo, miss." sabi nito
"Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ako magbabayad ng buo sa'yo! Hindi mo ba nakikita? Kalahating puwet ko lang ang nakaupo kaya kalahati lang din babayaran ko! Nakakaloka! Potek." inis na sabi ko
Natawa ang ilang pasahero at ang iba ay sumang-ayon sakin.
"Miss kailangan mo pa rin magbayad ng tama." sabi nito
"Sabihin mo yan sakin pag alam mo ng magbilang ng tama. Asan ang kulang ng lima na sinasabi mo kanina?!" nakataas kilay na tanong ko
"Magbigay ka nalang ng sampung piso, Miss." naiinis rin na sabi nito
"Gusto mo bang idemanda kita? Hindi mo ba alam na abogado ako? Ha?" mayabang na sabi ko rito
Sino naman ang hindi maniniwala na abogado ako? Nakacorporate attire ako.
"W-Weh? Ang alam ko pag abogado may kotse!" matapang na sabi nito
"Hindi ba pwedeng nasiraan ako at nagmamadali ako dahil may kaso akong inaasikaso?!" I snapped
"E-Eh bakit di ka nagtaxi!" pilit nito sakin
Napaisip ako sa sinabi niya habang ang ilan sa kasakayan namin ay mukhang nag-eenjoy.
"Alam mo bang pwede kitang idemanda sa mga tanong mo! That's invasion of privacy!" kunwaring galit na sabi ko sa kanya
Namutla naman ito at nagpatuloy na sa pagkuha ng bayad nila. Mabuti nalang at hindi na niya ako kinulit sa sampung piso na iyon. Kalahating puwet lang ang nakaupo kaya dapat kalahati lang din bayaran ko.
BINABASA MO ANG
Taming My Monster Boss
General Fiction"You know me very well, Alexandra. I can shoot you anytime I want. I can kill you with my bare hands. I don't need to hire anyone. But I didn't kill you because I want you to feel the agony I felt before." -Enrique Van Lewis "You are the CEO but I c...