Chapter 21

103K 2.4K 321
                                    


Tumakbo ako palabas ng opisina niya kahit na tinatawag pa niya ako. Walaa kong pakialam kahit na tinitignan na kami ng mga empleyado niya.

Pilit niya akong hinahabol pero hindi ako nagpahabol. Agad na pinindot ko ang elevator at swerte ako dahil bumukas naman ito.

"Alexandra! Wait! ALEXANDRA!" sigaw nito

Bago pa niya ako mapigilan ay sumarado na ang elevator kaya napaupo ako sa sahig at napahagulgol. Tama nga ako. May nabuntis siya! Ang sakit sakit lang.

Lumabas ako ng elevator nang makababa ako sa lobby at tumakbo ulit palabas. Mabuti nalang at dala ko ang susi ng kotse ko.

"A-Alexandra! Please talk to me!" sigaw ulit ni Van

Malamang ginamit niya ang kabilang elevator para makababa. Hindi ko siya pinansin at pumasok ako sa kotse ko. Pinaharurot ko ito at dahil malabo ang paningin ko dahil sa luha ko, nabangga ako ng truck at namatay. Nagkaroon sila ng forever kasama ang anak nila.

THE END.

PERO SYEMPRE, JOKE LANG YUN! TANGINA NG MGA TO! AKALA BA NIYA GANUN ANG GAGAWIN KO?! HUH!

Lewis na ata ako kaya ipapakita ko sa kanya ang ugali ng isang Lewis. So what kung buntis siya? Ako ang asawa. Hindi ako tatakbo at hahayaan na makuha niya ang asawa ko. Imbes na tumakbo at umiyak ako, hinarap ko ang babae na ang lapad ng ngisi.

"So? Marami na akong nabasa at napanood na ganitong eksena. Wala na bang bago?" walang pakialam na tanong ko sa kanya

Napaawang ang labi niya at laglag ang panga niya na nakatingin sakin. Para bang tinubuan ako ng tatlong ulo at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Xandra..." mahinang tawag sakin ni Van

Hinarap ko siya at ngumisi ako sa kanya na ikinagulat niya. Tulad ng sabi ko, Enrique Van Lewis is mine and mine alone.

"Don't worry about it. Mayaman ang asawa ko at kaya niyang ibigay ang kailangan ng anak niyo. Ilan ba ang gusto mong allowance niya monthly?" parang balewalang sabi ko at binigyang diin ko ang salitang asawa kahit na halos hindi ko mabanggit ang salitang 'anak niyo'

Masakit? Oo. Sobra. Pero gaya nga ng sabi ko, ako naman ang babawi ngayon.

At ang mga babaeng mang-aagaw sa asawa ko, ibabaon ko sa lupa ng buhay. Tulad nga ng sabi ni Angel Locsin sa palabas niya, Akin lang ang asawa ko. Akin lang.

"W-What? Asawa?" gulat na tanong ng babae

"Yes. We're married." nakangiting sabi ko at tinaas ang kamay namin ni Van kung nasaan ang singsing

Sumama ang tingin ng babae sakin at naluluhang tumingin kay Van. Peke ang luha niya alam ko. Duh. President ako dati ng drama club so alam ko ang mga ganyang galawan.

"E-Enrique, hahayaan mo bang mabuhay ang anak natin ng w-walang a-ama? P-Panagutan mo naman ako, oh." naiiyak na sabi nito at nagkunwari pang humihikbi

"Alexandra...."

"Manahimik ka kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo." matigas na utos ko

Tinignan ko naman ang asawa ko na mukhang medyo affected. Sige ipakita mo lang na affected ka at hindi ka makakaisa sa akin pag nawala ang buwanang dalaw ko.

"Papanagutan ng asawa ko ang batang yan at magpapakaama siya. Kung gusto mo ibibili nanamin siya ng one year supply ng gatas at may bonus pang bigas para di ka magutom." matigas na sabi ko sa kanya at alam ko na bakas sa boses ko ang galit

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon